Juday naiintindihan ang pagtanggi ni Ate Vi
Naiintindihan ni Judy Ann Santos kung bakit tinanggihan ni Star for All Seasons Vilma Santos ang pelikulang “Espantaho,” na pagsasamahan sana nilang dalawa.
Matatandaang ipinaliwanag na ni Ate Vi sa presscon ng “Uninvited” kung bakit ito ang mas pinili niya over “Espantaho.”
Parehong official entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang naturang dalawang pelikula.
“Feeling ko naman, everything happens for a reason,” sey ni Juday nang makatsikahan namin kahapon sa grand presscon ng “Espantaho.”
“Ang importante, natuloy ang pelikula at natapos, nabuo. Again. Maaaring hindi ito ‘yung time na magsama kami ni Ate Vi. I mean, naniniwala ako na darating ang panahon na may perfect project for us,” aniya.
Ayon pa kay Juday, naipaliwanag na ni Ate Vi ang rason nito at tanggap na tanggap niya ito.
“Naniniwala naman din ako sa explanation ni Ate Vi. Gets na gets ko, so there’s really nothing to… walang comparison, eh,” sey ng aktres.
Si Lorna Tolentino ang pumalit kay Ate Vi at sa paniwala ni Juday ay meant to be sa aktres ang role the same way na meant to be sa Star for All Seasons ang “Uninvited.”
“Sa akin naman, kung kanino nag-land ‘yung role, ibig sabihin, siya ‘yung perfect sa role, ‘di ba?
“And when I saw the trailer of ‘Uninvited,’ ‘ay, oo nga, tama ‘yung desisyon ni Ate Vi.’ Napakaganda ng ano, ng trailer. Ang intense ng character niya and I think, as an actor, naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko kung bakit naging ganu’n ‘yung desisyon niya,” pahayag ni Juday.
As for the movie, matagal na raw pangako ng direktor na si Chito Roño sa kanya na gagawa sila ng horror movie. Finally ay natuloy na ito.
Nang tawagan nga raw siya ni Direk Chito to inform her na tutuparin na niya ang pangako niya with Atty. Joji Alonzo of Quantum Films as producer and Chris Martinez as writer, game na game daw siya agad.
“Hindi mo kailangang malaman kung ano ‘yung synopsis ng isang pelikula o isang proyekto kung malaki ang tiwala mo. May foundation ang pelikula, eh. So, sila ‘yun – Atty.Joji, Direk Chito and Chris,” sey ni Juday.
“So, I am so very lucky na nakasama kami, magkakasama kami ng mga artista sa isang nakagandang pelikula that’s for 50th Metro Manila Film Festival. It doesn’t always happen, it will never happen again.
“’Etong ensemble na ‘to, ilalaban ko ‘to. I mean, we really had fun working together. Bundat na bundat kami sa bawat araw ng shooting namin, at para kaming hindi gumagawa ng horror dahil tawa kami nang tawa,” saad pa ni Juday.
Aside from Juday and LT, kasama rin sa “Espantaho” sina Eugene Domingo, Chanda Romero, Janice de Belen, Mon Confiado, Nico Antonio and Tommy Abuel, among others.
Showing na ang “Espantaho” simula Dec. 25.