Juday naaawa sa bagong henerasyon ng mga artista
Dahil dumaan din sa loveteam si Judy Ann Santos during her younger years, natanong siya ng entertainment press kung talaga bang posible na mahulog ang loob sa isa’t isa ng mga magka-loveteam.
Ang bilis ng sagot ni Juday.
“Ako pa ba ang hindi makakaalam diyan? Ako pa ba ang hindi makakaintindi diyan? Maka-ilang beses kang… ‘Ay, tapos na ’yun,” natatawang sabi ng bida ng “Espantaho” sa ginanap na mediacon kamakailan.
Asked kung sino ang ka-love team na tinutukoy niya, natatawang iwas ng aktres, “Babalikan talaga natin ‘yon?”
Natanong ito ng press kay Juday sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng magka-loveteam na sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Ayon kay Juday, hindi talaga maiiwasan na ma-develop sa ka-loveteam bilang araw-araw nga kayong magkasama.
“Pagdadaanan mo talaga ’yun, eh. Kasi, wala kayong choice, you always see each other, nagpo-promote kayo. Then, your network would tell you, ‘O, kailangan mas sweet pa kayo, ha.’
“May ganu’n, let’s be blunt. Kasi ibinebenta ninyo ang pelikula ninyo. Hanggang sa maging natural na ang sweetness ninyo kasi nga kayo na ang nagkikita araw-araw.”
Natanong din si Juday kung may mga chat din ba siya sa mga dating ka-love team. Natawa ang aktres.
“Wala! Ano lang ‘yun, Pocket Bell lang ‘yun, beeper lang. Eh, ‘yung mga beeper naman, hindi ka puwede magsabi ng mga malalaswang salita, ‘di ba?” sey niya.
That time nga naman ay wala pang social media at walang mga chat messaging applications.
“I feel for this generation. You really have to be careful kasi anything can really happen. You really have to be very disciplined, alam mo dapat ang ginagawa mo, at kaya mong panindigan kung anuman ‘yung nangyari.
“Kapag nag-uusap nga kaming mga magkakaibigan, nakakatakot ‘yung panahon ngayon. Dati, ‘yung blind item, hindi na mabubuntis ‘yun, eh, kasi magazine at tabloid, walang ise-search. Ngayon, kapag tinayp ang pangalan mo… ‘day, nakaka-stress! Nakakapagpa-palpitate!” \ pahayag ng aktres.
Pero hiling lang ni Juday sa netizens ngayon, “Sana let’s also be kind.”
Samantala, ang “Espantaho” na official entry sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagbabalik ni Juday sa big screen. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang mapanood sa isang pelikula at aminado siya na isa sa mga dahilan nito ay nagiging mapili na siya sa pagtanggap ng mga proyekto.
“Nandu’n na ako ngayon sa gawa tayo ng mga proyekto kasi gusto ko ito mapanood ng mga anak namin. Gusto ko, proud sila sa nanay nila.
Gusto ko, proud din ako sa trabaho ko at sa craft ko.
“Malaking factor talaga ang mga anak namin dito sa pagtanggap ko sa ‘Espantaho,’ hangga’t may lakas pa ‘yung nanay nilang manakot,” sey ni Juday.