Juday

Juday at Regine, nag-effort pasayahin si Sharon

June 3, 2022 Ian F. Fariñas 97 views

Nakakatuwa naman sina Judy Ann Santos at Regine Velasquez na talagang nag-effort para pasayahin ang kaibigang si Sharon Cuneta sa pinagdaraanan nito.

As we all know, nagdadalamhati si Sharon ngayon dahil sa pagkamatay ng best friend na si Fanny Serrano.

Idagdag pa na bago ito ay hindi pinalad ang mister niyang si former Sen. Kiko Pangilinan sa katatapos na eleksyon.

Sa Instagram account ni Sharon, ibinahagi niya ang mga natanggap na regalo from Juday and Regine.

Si Regine, iginuhit pa ang mukha ni Shawie at binigyan din ng scrapbook ang Megastar na siya mismo ang gumawa.

Ipinakita ni Sharon ang drawing ni Regine at aniya sa caption, “Regine’s drawing of me. I love you, my Nana. I’m going to have this frame.”

Ikina-touch din ni Mega na ginawan pa siya ng scrapbook ni Regine at inaming sobrang lungkot niya these past few weeks.

Si Juday naman, pinadalhan siya ng napakaraming pagkain with matching handwritten letter kung saan ay nakasaad na lagi siyang nandito for her ate Shawie.

“I am blessed with just a few friends, but REAL ones… never expecting anything back except my love and friendship too… They are truly blessings I treasure,” ani Sharon sa kanyang post.

Love

NAHIRAPAN SA PLASTER

Bagama’t palaban ang mga lead actor sa BL (boy’s love) series na Love at the End of the World ng Vivamax, aminado rin ang mga ito na nahirapan sila habang ginagawa ang matitinding eksena.

Ayon kay Yam Mercado sa virtual mediacon para sa naturang serye, ang pinakamahirap ay ang BJ (blow job) scene nila ni Elijah Filamor.

Wala raw kasing plaster sa private part ang kapareha at muntik niyang hindi kayanin ang eksena.

Para naman sa isa pang bida na si Kristof Garcia, lahat ng eksena niya ay mahirap pero ang pinaka ay ang pagtanggal ng plaster.

“Kasi nasasama ’yung buhok, ang sakit, parang nagpapa-wax ka,” sambit ni Kristof.

Si Gold Azeron naman, nahirapan sa underwater scenes nila ni Nico Locco dahil may injury siya sa left shoulder at hindi masyadong makalangoy.

“Buti na lang, itong si Nico Locco, magaling mag-swim, tapos alagang-alaga niya ako ’pag nasa tubig kami. Kasi mabilis akong malagutan ng hininga, eh,” kwento ni Gold.

Samantala, ang Love at the End of the World ay isang BL erotic suspense drama series na tatalakay sa apat na magdyowa as they navigate through love, pain, loss, romance, forgiveness, redemption, loneliness and sorrow.

Aside from Yam, Elijah, Gold and Nico, bida rin dito sina Markki Stroem at Rex Lantano mula sa direksyon ni Shandii Bacolod.

Napapanood na ito sa Vivamax Plus at coming soon sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE