Joshua tinamaan muli ng Covid
Nagpositibong muli sa COVID-19 ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua.
Ito ang ibinalita ni Tetay sa kanyang latest Instagram Story.
Nagbahagi ng larawan ng bouquet of flowers si Kris na ipinadala sa kanya sa ospital ng isang taong hindi na niya binanggit pa kung sino.
Aniya sa caption, nakalabas na siya ng hospital nang ipadala sa kanya ang flowers.
“I was no longer in the hospital but this was left for me… Nurse Elle was sent the picture by her former co-nurses,” pagbabahagi ni Kris.
“Whoever you are, THANK YOU. Your thoughtful gesture is much appreciated during a stressful time,” ang mensahe niya sa taong nagpadala ng flowers.
Kasunod nito ay sinabi ni Kris na nagkaroon daw ng COVID-19 si Joshua at pati ang bunsong anak na si Bimby ay na-expose. Napraning nga raw silang lahat dahil baka pati siya ay magkaroon din ng nasabing virus.
“Kuya josh got Covid again, Bimb was exposed- we were all freaked that i could also have Covid),” aniya.
Pero negative na raw ngayon si Joshua matapos itong ma-isolate.
“Kuya is now PCR negative. THANK YOU Jane & nurse Mary for isolating and caring for kuya!” saad niya.