Joshua target makatrabaho si Kathryn
Inamin ni Joshua Garcia na pangarap niyang makatrabaho ang long-time crush niyang si Kathryn Bernardo.
“Sana! Pero wala pa naman nasabi sa akin,” sey ni Joshua sa panayam sa kanya during the Star Magical Christmas Ball recently.
“Hindi pa siya totoo pero sana,” dagdag pa niya.
Ni-recall nga ng aktor na matagal na niyang crush si Kathryn.
“Oo naman! PBB pa lang, crush ko na ‘yun eh,” pagkumpirma niya.
“Parang inamin ko naman ‘yun nun sa PBB. Parang natutulala pa ako,” pag-alala ni Joshua.
“Malaking achievement from humahanga lang ako sa kanya to naging magkaibigan kami,” sey pa ng aktor.
Matatandaang nagsimula si Joshua sa showbiz nang maging housemate siya sa reality show na “Pinoy Big Brother: All In” in 2015.
Hanggang ngayon nga ay makikita pa rin sa internet ang video kung saan ay bumisita si Kathryn noon sa PBB house at natulala talaga ang aktor.