Joshua1

Joshua lalong aangat bilang Kapamilya

January 7, 2022 Aster Amoyo 268 views

JoshuaNGAYONG wala na sa bakuran ang dati nilang prized actor na si John Lloyd Cruz, it’s about time na lalo pang umangat ang karera ng ex-PBB housemate-turned serious actor at look-alike ni JLC na si Joshua Garcia (24). Napapanood siya ngayon sa top-rating primetime TV series na “Viral Scandal” na pinagtatambalan nila ng award-winning actress na si Charlie Dizon (25) habang ginagawa nito ngayon ang bago niyang TV series, ang TV remake ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV series” with Jane de Leon playing the title role.

Hindi man nagtagal ang loveteam nila ng kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto, somehow, nakatulong nang malaki sa kanilang respective careers ang kanilang tambalan. Ngayon, kaya na nilang tumayo on their own kahit iba na ang kanilang kapareha o katrabaho.

Although mahigit dalawang taon nang masaya ang ex-girlfriend ni Joshua na si Julia sa nobyo nitong si Gerald Anderson, nanatili pa ring loveless ang binata. Umaasa naman ang kanyang supporters na sana’y isa kina Charlie at Jane ang kanyang maging kasintahan niya balang araw.

Tulad ng kanyang ex-girlfriend na si Julia, si Joshua ay nagmula rin sa isang broken family sa Bauan, Batangas. Siya at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Lorenza Mae ay lumaki sa kalinga ng kanilang ama at tulong ng kanilang uncle na pari na si Fr. Gerry Garcia ng Bauan. Ang magkapatid ay may tatlong younger half-siblings sa kanilang ama at dalawa naman sa kanilang ina.

Naging pasaporte ni Joshua sa showbiz ang pagsali sa reality program na “Pinoy Big Brother: All In” in 2014, Taong 2015 naman nang siya’y magsimula sa kanyang showbiz career. In his over 6 years in the business, malayu-layo na rin ang kanyang narating.

Bukod sa primetime TV series with Charlie Dizon, inaabangan ang pagsisimula ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ngayong 2022 with Jane de Leon. Meron din siyang upcoming movie projects this year.

Samantala, sa tulong ng kanyang kaibigan at kapwa Kapamilya actor na si Enchong Dee who influenced him sa kanyang pagpasok sa pagnenegosyo, si Joshua ay part owner ng Academy of Rock Music na binuksan sa publiko mid last year. Nag-iisip pa ang young actor ng ibang negosyong kanyang papasukin sa taong ito.

CindyCindi na-starstruck kay John

HINDI ikinakaila ng “Adan” at “Nerisa” sexy star at dating beauty queen na si Cindy Miranda na na-intimidate umano siya sa dalawa niyang co-actors sa pelikulang “Reroute” na parehong premyado, sina John Arcilla at Sid Lucero. Pero sa halip na matakot ay mas na-challenge umano siya na galingan ang kanyang acting dahil ayaw niya umanong mapahiya sa dalawa. Kasama sa nasabing pelikula si Nathalie Hart mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo na siya ring director ng kanyang solo launching movie na “Nerisa”. Ito’y nakatakdang ipalabas sa streaming app ng Viva, ang Vivamax sa darating na Enero 21.

Kahit loner at mahiyain sa personal si Cindy, palaban siya pagdating sa pagpapaseksi. She’s also into her character everytime na siya’y gumagawa ng pelikula.

Gusto rin ng dating beauty queen na siya’y makilalang isang mahusay na aktres balang araw at hindi lamang isang sexy actress.

Inamin din ni Cindy na sa first day pa lamang ng shooting ng “Reroute” ay agad siyang nagpakuha ng picture with John dahil starstruck siya rito.

RoxanneRoxanne at Will may kanya-kanya nang pamilya

PAREHO nang may tig-isang anak na lalaki ang dating magkasintahang Roxanne Barcelo at Will Devaughn sa kanilang respective present partners. Si Roxanne ay may 7 months old son (Cinco) sa kanyang American husband na si Jiggs habang si Will naman ay may two-year-old son (Magnus Orion) sa kanyang girlfriend na si Cay Kuijpers.

Sina Roxanne at Will ay nagkahiwalay nung December 2017 ending their five-year relationship but it was only on January 2018 nang aminin ng dalawa ang kanilang break-up. Ang dalawa ay huling nagkasama sa pelikulang “I Left My Heart in Sta. Fe” which they co-starred and co-produced and was shown in 2017 before their break-up.

Roxanne married her husband in 2020 and had their first baby in May 2021.

AndreiAndre nagpaparamdam kay Ashley

TOTOO nga bang nagpaparamdam ang panganay ng estranged couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andre Yllana sa 17-year-old daughter ng actor na si Joko Diaz (at wife nitong si Abby) na si Ashley Diaz? Sina Andre at Ashley ay nagkatrabaho sa TV series na “Di Na Muli” na pinagbidahan nina Julia Barretto, Marco Gumabao at Marco Gallo na kamakailan lamang ipinalabas sa TV5. Kasama rin sa nasabing serye sina Angelu de Leon, Baron Geisler, Liz Alindogan at iba pa.

Hindi pa rin malaman ng Viva young actress na si Ashley if she’s going to celebrate her 18th birthday sa darating na April dahil sa muling pagsirit ng Covid-19. Although she’s excited na magkaroon ng debut party, maiintindihan naman daw niya kung hindi ito mangyayari dahil mas priority ang kaligtasan ng lahat.

Inamin ng Viva teener na kahit pinasok niya ang showbiz, nangako umano siya sa kanyang parents laluna sa kanyang papa (Joko Diaz) na hindi umano niya pababayaan ang kanyang pag-aaral lalupa’t graduating na siya from high school. She plans to take-up BS-Psychology in college. She’s not only discounting the possibility of joining beauty pageants someday.

Ashley had an opportunity to work with her Tita Angelu (de Leon), her father’s ex-girlfriend at ina ng kanyang elder half-sister na si Nicole de Leon sa TV series na “Di Na Muli”.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE