
Joshua Garcia pumalag matapos mabiktima ng ‘fake news’
“FAKE NEWS!” Iyan ang mariing palag ng aktor na si Joshua Garcia hinggil sa kumakalat na quote card hinggil umano sa sey nito sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa umiikot na quote card, pinayuhan umano ni Joshua si Daniel na ayusin ang relasyon nito kay Kathryn.
“Matagal na kitang sinabihan na ayusin mo yung ginagawa mo at yung relasyon niyo ni Kath, pero hind ka nakinig at tinuloy mo yung mga kalokohang ginagawa niyo ni Andrea,” “sermon” umano ni Joshua kay Daniel, na agarang pinabulaan ng aktor sa kanyang X account.
Pinag-iingat naman ng ilang netizens ang publiko na “mag-fact check” muna bago ipakalat ang mga nakikita sa social media.