Joshua flattered nang malamang crush siya ni Ivana

October 21, 2021 Aster Amoyo 166 views

IvanaSA November 15, mapapanood na ang bagong primetime TV series ng ex-PBB housemate-turned actor na si Joshua Garcia (24), ang “Viral Scandal” kung saan niya katambal for the very first time ang award-winning young actress na si Charlie Dizon (25) kasama sina Jake Cuenca, Dimples Romana, Jameson Blake, Markus Paterson, Ria Atayde at iba pa. Since tapos na ang lock-in taping ng nasabing serye, may bagong ginagawa ngayon ang actor-entrepreneur na serye, ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” kung saan siya ang leading man ng young actress na si Jane de Leon (22).

Although wala pang bagong lovelife si Joshua after his break-up with ex-girlfriend na si Julia Barretto in April 2019, hindi umano nagmamadali ang actor na magkaroon ng bagong girlfriend.

Flattered naman ang actor nang makarating sa kanya ang balita na siya umano ang ultimate crush ng top celebrity vlogger at actress na si Ivana Alawi.

Ano nga kaya’t pagtambalin sina Joshua at Ivana sa isang TV or movie project?

Ali & PatAli at Pat-P kakaibang tambalan

KAKAIBANG kumbinasyon ang tambalan nila Ali Sotto at Pat-P Daza sa kanilang bagong simulang radio-TV commentary program na pinamagatang “Ano Sa Palagay N’yo?” or A.S. P.N. on NET25 TV at napapakinggan sa Radyo Agila 1062 Khz at sa Eagle FM 95.5 simula October 18 (Lunes) mula alas-8 hanggang alas-10 ng umaga from Monday thru Friday. Ang dalawa ay nagmula sa magkaibang commentary programs at istasyon. Si Ali ay huling napanood at napakinggan sa “Dobol A sa Dobol B” with Arnold Clavio sa DZBB ng GMA habang si Pat-P naman ay sa DZMM Teleradyo ng ABS-CBN.

AliSi Ali ay nagsimula bilang isang mang-aawit at recording artist named Aloha. Pinasok din niya ang larangan ng pag-arte pero nung 1997 ay nagsimula siyang maging radio anchor sa DZBB. Pero ito’y nahinto when she left abroad kung saan na-assign ang kanyang second and present husband, ang retired diplomat na si Omar Bsaies. Nang bumalik ng Pilipinas ang mag-asawa ay bumalik sa radio si Ali nung 2004 hanggang 2006 sa DZRH ng Manila Broadcasting Company then muli siyang bumalik sa DZBB ng GMA na tumagal until early this year.

Ali is Maria Aloha Sanciano Carag in real life. She was first married to Senate President Tito Sotto’s younger brother Marcelino `Maru’ Sotto, Jr. kung kanino siya nagkaroon ng dalawang anak na parehong lalake na sina Chino at sumakabilang-buhay na young actor na si Miko Sotto.

Mula sa Aloha ay mas nakilala siya bilang Ali Sotto at hindi na niya ito binago kahit matagal na silang hiwalay ng kanyang unang mister na si Maru Sotto na nanatiling kaibigan niya hanggang ngayon. The singer, actress and radio-TV broadcast journalist has since remarried pero hindi sila nabiyayaan ng sarili nilang anak. Pero meron na siyang dalawang apo sa kanyang panganay (kay Maru) na si Chino.

Si Pat-P (Patricia Yap Daza) ay anak ng veteran journalist at dating TV host na si Julie Yap-Daza. She was married before to Mike Planas, isang businessman at dating politician with whom she has two kids. Kahit matagal nang hiwalay si Pat-P sa dating mister na si Mike ay magkaibigan pa rin ang dalawa hanggang ngayon at ito’y dahil na rin sa kanilang dalawang anak na close din sa kanilang ama.

Bago naging co-anchor si Pat-P ng veteran radio anchor and executive na si Peter Musngi (na siya ring official voice over announcer ng ABS-CBN), siya’y naglingkod din ng maraming taon bilang isa sa executives ng Kapamilya network. She was so devastated nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 2020 kung saan libu-libong mga executives at kawani ang nawalan ng trabaho at kasama na rito ang pagkawala ng maraming programa sa telebisyon at radio.

Pat-P moved to Brightlight Productions ng businessman at dating politician na si Albee Benitez bilang top executive.

Since napamahal na kay Pat-P ang pagiging radio-TV anchor ay hindi siya nag-atubili na tanggapin ang alok ng NET25.

Samantala, ang A.S.P.N. ay mapapanood din sa official YouTube channel at Facebook page ng NET25.

JC & YassiYassi at JC nahirapang tanggalin ang karakter

AMINADO ang 26-year-old Filipino-British singer, dancer, actress, TV host and celebrity endorser na si Yassi Pressman na ang local adaptation ng hit Korean melodrama romantic movie na “More Than Blue” na dinirek ni Nuel Crisostomo Naval under Viva Films ang best movie in her entire acting career. And she’s grateful to Viva’s big boss na si Boss Vic del Rosario na sa kanila ni JC Santos ipinagkatiwala ang proyekto na sobra umanong challenging para sa kanilang dalawa.

Yassi plays the role of Cream na ginampanan ni Lee Bo-young sa Korean version habang si JC naman sa papel ni K originally played by Kwon Sang-woo. The original Korean version was directed by Won Tae-yeon. It was also adapted in Taiwan in 2016 na pinagbidahan naman nina Jasper Liu at Ivy Chen.

Sina Yassi at JC ay unang nagkatrabaho sa top-rating at long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinyano” in 2018 at kinabilangan ng actress sa loob ng limang taon.

Sa bigat umano ng kanilang respective roles ni Yassi, may mga pagkakataon na napakahirap umano nilang tanggalin ang kanilang character even after the takes at may pagkakataon umanong tatalikod na lamang sila sa isang tao at patuloy pa ring umiiyak. “After the filming of the movie ay doon lamang talaga kami ni Yassi nakahinga nang maluwag sa sobrang bigat ng papel na aming ginampanan,” pag-amin ni JC who is now married to his high school crush na si Shyleena Herrera-Santos and a father to a two-year-old girl na si River Aletheia.

Samantala, kasama rin nina Yassi at JC sa pelikulang “More Than Blue” ang dating beauty queen-turned actress na si Ariella `Ara’ Arida at ang young actor na si Diego Loyzaga. Ito’y matutunghayan sa streaming app ng Vivamax simula sa November 19.

Direk Nuel nalilinya sa pag-adapt ng hit Korean movies

SAMANTALA, apat na beses nang nakatrabaho ni Direk Nuel Naval si JC Santos. Second time nila dito sa pelikulang “More Than Blue” at dalawang beses naman sa MMK. Kaya ganoon na kakumportable si JC sa nasabing director.

“He is an actor’s director,” deklara ni JC about Direk Nuel na sinusugan naman ng lead actress na si Yassi Pressman.

Si Direk Nuel ay nalilinya sa pagdidirek ng adapted hit Korean movies na una niyang ginawa sa 2019 hit Metro Manila Film Festival movie na “Miracle in Cell No. 7” na pinagbidahan ni Aga Muhlach at child star na si Xia Vigor at kung saan kasama rin si JC Santos.

Inaasahan ding si Direk Nuel ang magdidirek ng unang team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards sa isa pang local adaptation ng K-movie na “A Moment to Remember” which will be jointly produced ng GMA Films, Viva Films at APT Entertainment.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE