Curly

Joshua, excited makatrabaho si Jane sa Soundstage

November 18, 2021 Vinia Vivar 249 views

Bilang galing na sa dalawang loveteams with Julia Barretto (JoshLia) at Janella Salvador (JoshNella), aminado si Joshua Garcia na mas gusto na niya ngayon na solo siya at iba-iba ang nakakapareha.

“Siyempre mas okay ‘yung iba-iba ‘yung partner,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.

“Hindi naman lahat, meant to be na may solo loveteam lang. Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na ganoon.

“Para sa akin, okay na ako sa sitwasyon ko ngayon, na iba-iba ang nakakatrabaho ko. Parang more chances of winning, kumbaga. Kasi mas marami kang matututunan. Iba’t ibang tao ‘yung makakasalamuha mo, ayun, iba’t ibang talent at acting ang mai-experience mo.”

Isa pa raw maganda sa iba-iba ang nakakapareha ay mas marami kang matututunan.

“The good thing about ‘yung solo ka, may makakatrabaho kang ibang artista, mas malawak ‘yung matututunan mo sa co-artists mo. Hindi naman din ako masyado nahirapan, siguro kasi marami na rin akong naka-partner. Lahat sila, may natututunan ako. Iba-iba kasi sila ng atake,” aniya.

Sa ngayon nga ay si Charlie Dizon ang leading lady ni Joshua sa kanyang bagong serye na Viral Scandal na nag-premiere na last Monday.

Sa Darna ay si Jane de Leon naman ang kapareha niya at kasalukuyan ngang nasa lock-in taping na siya sa bagong ABS-CBN Soundtage sa San Jose del Monte, Bulacan.

“Excited ako. Very excited to use the Soundstage. I’m very excited to work with Jane and sa lahat ng cast. Sobrang excited ako especially ‘yung Soundstage kasi siyempre, hindi pa ako naka-shoot do’n. Alam mo ‘yun, as an actor kasi, parang achievement ‘yun na, ‘oh my God, magsa-Soundstage,’ para siya kasing sa Hollywood,” sey pa ni Joshua.

Bukod dito ay may nakatakda rin siyang gawin na pelikula, ang Keys to the Heart, kung saan ang leading lady naman niya ay si Daniella Stranner.

AUTHOR PROFILE