Queen

Joshua, crush ng TikTok superstar na si Queenay

February 24, 2023 Ian F. Fariñas 2187 views

UNTI-UNTI na ngang inilalabas ng TikTok superstar na si Queenay Mercado ang kanyang ganda sa mainstream media matapos mapili ni Jamira Magcale, presidente ng JDM Corporation, bilang endorser ng beauty brand na Jullien Skin Rejuvenating Set.

Sa media launch kay Queenay kamakailan, sinabi ng dalaga na sa ngayon ay tumigil muna siya sa pag-aaral dahil sa dami ng raket niya.

Tourism ang kursong kinukuha ng dalaga at face-to-face na ang labanan sa klase nila. Pero balak din daw niyang bumalik sa eskwela kapag kaya na ng schedule niya.

Bukod sa Jullien Skin endorsement, sumabak na rin si Queenay sa pag-arte sa pelikula pero hindi pa niya pwedeng i-share ang detalye nito.

Nang tanungin kung meron siyang showbiz crush, sagot ng dalaga, “Malay n’yo, babae pala ang tipo ko, hahaha! Joke lang po, ano po. Meron ho ako recently, may movie, pero hindi ko muna siyempre iaano, sasabihin dito ngayon dahil naku, Diyos ko, mahusay ako. Pero Joshua Garcia po talaga. Na napakabait naman po talaga sa personal at saka napakahusay din umarte. Kaya nga talagang masasabi kong hinahangaan ko talaga siya.”

Siyempre, malaki ang pasasalamat ni Queenay sa Jullien Skin sa dagdag na kumpiyansang ibinibigay nito sa kanya lalo na ngayon.

Sabi nga ng tagline ng produkto, “Ilabas ang ganda!”

“Having skin that feels and looks good on the outside helps me exude self-confidence,” aniya.

Pahayag naman ni Jamira, “We created Jullien Skin para mailabas ang ganda ng bawat Filipino. It is all about offering quality and effective skincare at an affordable price Filipinos everywhere can enjoy.”

Ang rejuvenating set, na binubuo ng cleaning soap, toner, hydrating sunscreen at night cream, ay available sa lahat ng Puregold branches sa halagang P299.

AUTHOR PROFILE