Jane

JoshLia fans, may hiling sa ‘Darna’

August 15, 2022 People's Tonight 127 views

Joshua

Masasabing iconic si Darna sa isang walang kamatayang masterpiece komiks novel ni Uncle Mars Ravelo. “Uncle” po ang tawag namin nu’ng nabubuhay pa si Mars at FYI lang po, siya po ang mentor-discoverer ng yours truly at siya rin ang nag-push nang husto na gawan namin ng maraming publicity si Vilma Santos sa kanyang komiks/showbiz magazines after gawin ng inyong lingkod ang article na “Vilma Santos: Child Star No More” para ilaban kay Nora Aunor na papasikat na nang papasikat noong dekada ’70 kaya ’ayun, naging magkaribal ang dalawa.

Ang bagong Darna ngayong 2022 ay ang newbie na si Jane de Leon para sa Kapamilya Channel na nagsimula nang lumipad kahapon, August 15, sa ABS-CBN platforms.

“Ito na po ang pagkakataon namin para ipakita sa buong mundo ang pinaghirapan ng production, lahat ng cast, mapa-staff at directors. Matagal na rin po itong hinintay ng sambayanang Pilipino,” ayon sa bidang si Jane, na gagampanan nga ang papel ni Narda Custodio at ang superhero alter-ego niyang si Darna.

“Marami po kayong aabangan pagdating sa effects, costumes, villains, at siyempre sa bagong istorya ng Darna,” dagdag ng aktres sa grand media conference sa ABS-CBN Dolphy Theater.

Si Janella Salvador ang gaganap na Valentina na sa paningin ng yours truly ay oozing with sex appeal kaya lang lagi siyang may ahas na nakalagay sa kanyang balikat as in ahas na buhay, ha!

Eh, syokot ang yours truly sa mga ahas.

Kasama rin sina Iza Calzado bilang si Leonor, ang unang Darna at ina ni Narda; Joshua Garcia bilang police officer na si Brian; at Zaijian Jaranilla na gagampanan ang papel ni Ding, ang computer geek na kapatid ni Narda.

Kabilang din sa cast sina Paolo Gumabao, Rio Locsin, Richard Quan, Simon Ibarra, Jeffrey Santos, Eric Fructuoso, Levy Ignacio at marami pang iba.

Mula sa direksyon nina Chito Roño, Avel Sunpongco at Benedict Mique ang Darna na prinodyus ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN.

Base ito sa karakter ni Darna na binuo ng legendary Pinoy komiks creator na si Mars Ravelo.

Nagbahagi naman si Direk Chito tungkol sa Darna ng bagong henerasyon.

“I’m very pleased not only that she (Jane) focused, not only that she concentrated, she has done very well as an actress for Darna,” papuri niya.

Todo talaga ang excitement sa programa lalo pa at namataan si Darna sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at kalapit-bayan at sa mga mall nagpapakita rin siya na inakala ng ilang netizens ay isang multo.

And take note, may nagbulong sa yours truly na type or crush ni Joshua si Jane.

Sey mo, Julia Barretto?

Well, nag-wish ang ilang fans nina Joshua at Julia na sana ay isinali rin si Julia sa cast bilang kaagaw ni Jane sa puso at pag-ibig ni Joshua.

Hmmm… a wish is just a wish, boom ganern at ang bato ay pag-aari na ni Jane.

’Yun na! Ewan nga lang kung after this new Darna series ay mabalitaan na lang natin na sina Jane at Joshua na.

Well, no one can tell what will happen next.

’Yon lang. No more, no less, tsuk!. Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE