Jose

Jose at Wally, kumuha ng bagong talent manager

August 10, 2023 Ian F. Fariñas 1222 views

PINILI ng comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola na gawing talent manager si Joel Roslin, ang kanilang road manager nang halos dalawang dekada.

Mula sa pagiging commercial model at occasional actor, naging staff din ng Viva Films adprom si Roslin.

Nagsilbi rin siya bilang production manager ng ilang taon sa isang talent management na naging manager din ng iba’t ibang artists gaya nina Allan K, Rita Avila, Stella Ruiz, Jose, Wally, at marami pang iba.

Eh, nang bitawan ang dalawa ng former manager nila na isang sikat na personality sa showbiz, muli nilang kinuha na road manager si Roslin.

Ngayon, opisyal nang manager nina Jose at Wally si Roslin.

Naging bahagi rin si Roslin ng judges ni Jose sa Battle of the Judges ng GMA kamakailan.

Samantala, bukod sa E.A.T., mapapanood din ang comic duo sa Wow Mali Doble Tama ng TV5, 6-7 p.m., simula sa August 26.

For inquiries kina Jose at Wally sa phone numbers – 0915-8155849 at 0947-771-6036 at sa [email protected] and follow Jose & Wally on Face Book.

AUTHOR PROFILE