Jomari

Jomari gusto nang pakasalan si Abby

October 27, 2021 Aster Amoyo 466 views

JomariFORTY-five-year-old actor-politician Jomari Yllana is seeking reelection bid for the third term bilang councilor ng 1st district ng Paranaque where he is currently serving his second term.

Sa isang virtual press conference, inamin ng present partner ng nagbabalik-showbiz na si Abby Viduya na magmula nang siya’y mahalal na konsehal ng unang distrito ng Paranaque in 2016 ay pansamantala siyang tumigil sa kanyang career bilang actor para mag-focus nang husto sa kanyang tungkulin bilang isang halal na public official pero hindi umano ito nangangahulugan na tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang showbiz career.

“Showbiz and acting will always be a part of me at dito ako unang nakilala,” pag-amin ni Jomari.

Tulad ng ibang showbiz personalities, makulay din ang buhay ni Jomari, ang nakababatang kapatid ng actor-comedian, politician at host na si Anjo Yllana.

Si Jomari ay isa sa mga original member ng teen group in the early 90’s, ang “Guwapings” kung saan niya nakasama ang teen actors noon na sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso and they have something in common liban sa pagiging actor, pare-pareho na silang may mga anak at hiwalay sa kanilang respective wives.

First love ni Jomari ang teen actress pa lamang noon na si Abby Viduya (which was later changed by Seiko Films to Priscilla Almeda nang ito’y magpa-seksi) at gayundin si Abby kay Jomari. Pero palibhasa’y mga bata pa, hindi tumagal ang kanilang relasyon at nagkani-kanya pa sila ng takbo ng kanilang buhay maging ng kanilang karera. Si Jomari ay nag-asawa in his early 20’s sa young actress na si Aiko Melendez in year 2000 at sila’y nabiyayaan ng isang anak, ang 23-year-old na ngayon na si Andre Yllana. Pero tumagal lamang ng halos tatlong taon ang pagsasama ng dalawa at ito’y nauwi sa hiwalayan in 2003. Magmula noon ay nagkaroon ng iba’t ibang karelasyon ang actor-politician tulad ng actress na si Ara Mina (na may asawa na ngayon) at ang Concert Queen at ex-wife ni Martin Nievera na si Pops Fernandez. Muling nagkaroon ng ibang kasintahan si Jomari, ang non-showbiz na si Joy Reyes kung kanino siya nagkaroon ng dalawang anak na parehong lalake, sina Fangio at Ayrton pero nagkahiwalay din sila in 2018.

Taong 2015 ay nagkaroon muli ng komunikasyon ang dating magkasintahang Jomari at Abby habang ang huli ay naka-base Canada with her last partner kung kanino siya may dalawang anak and another elder child sa kanyang dating naka-relasyon.

Nung magkahiwalay sina Jomari at Joy at muling na-rekindle ang pag-iibigan nila ni Abby. It was Jomari who prodded the Canada-based actress na bumalik ng Pilipinas at muling balikan nito ang showbiz. Nagkataon naman na hiwalay na si Abby sa kanyang dating partner. She talked to her children sa kanyang intention na bumalik ng Pilipinas and give showbiz another try. She also plan her children na sumunod sa kanya sa bansa para muli silang magkasama-sama. May pagkakataon ding nakakausap ni Jomari ang mga anak ni Abby na naiwan sa Canada.

Since matagal nang annulled ang kasal ni Jomari sa kanyang ex-wife na si Aiko at walang pinakasalan si Abby sa kanyang previous relationships, libre ang dalawa na magpakasal kung kanilang nanaisin.

“Actually, sumasagi na rin sa aming usapan ni Abby ang planong pagpapakasal,” ani Jomari. “Pero wala pa kaming definite plans as of now.”

At kung sila’y mabibiyaan ng Diyos, gusto nilang magkaroon ng sariling anak.

Ayon sa actor-politician, pareho na umano silang nag-mature ni Abby at alam na nila pareho kung ano ang gusto nila sa buhay.

“Noon kasi, pareho pa kaming bagets at hindi pa ganoon ka-seryoso sa mga bagay-bagay kaya kami nagkahiwalay,” pag-amin ni Jomari.

Samantala, inamin ni Jomari na marami umano siyang natutunan sa kanyang pagiging public servant na nais niyang ipagpatuloy.

HavenHeaven gumastos ng mahigit kalahating milyon sa ex-boyfriend

HINDI man binanggit ng ex-PBB housemate-turned actress na si Heaven Peralejo na may naging boyfriend siyang ginastusan umano niya ng mahigit kalahating milyong piso na kanyang inamin sa kanyang vlog, marami ang naniniwala na ito ay ang actor na si Kiko Estrada. Naging boyfriend niya ito sa loob lamang ng tatlong buwan.

Bukod kay Kiko ay naging kasintahan din niya ang panganay nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao na si Jimwel Pacquiao bago niya naging nobyo ang binata nina Gary Estrada at Chesca Diaz-Morales.

SylviaSylvia magpapahinga muna sa pag-aartista

MALAPIT nang magtapos sa ere ang primetime inspirational drama series na “Huwag Mangamba” kung saan tampok na mga bituin nina Andrea Brillantes at Francine Diaz kasama sina Sylvia Sanchez, Eula Valdez, Nonie Buencamino, Kyle Echarri, Seth Fedelin, RK Bagatsing, Enchong Dee, Dominic Ochoa, Matet de Leon, Mercedes Cabral, Diether Ocampo at iba pa.

Although lahat challenging ang mga papel na ginampanan ni Sylvia in her past TV series, hindi nito ikinakaila na sobra umano siyang na-drain sa kanyang character bilang si Barang, isang mentally-challenged person na never nawala ang pagmamahal sa kanyang nawalang anak (played by Dimples Romana) at sa kanyang dalawang apo na sina Mira (Andrea) at Joy (Francine) at maging sa kanyang pananampalataya kay Bro (Diyos). Dahil dito, nag-desisyon ang veteran actress na gusto muna niyang magpahinga sa loob ng anim na buwan to one year para sa susunod niyang gagawing TV series ay may bago siyang maipapakita.

Samantala, bukod sa pagiging signature face ng Beautederm, isa ring successful reseller si Sylvia ng nasabing produkto at meron na siyang tatlong branch nito. Isa rin ang actress-entrepreneur sa likod ng Powerhouse talent management na nagha-handle ng mga talents-actors.

RachelRachel biggest birthday gift ang baby

NAKAPAGSILANG na kamakailan lang ang Filipina-British at 2017 Miss Universe Philippines na si Rachel Peters sa kanilang unang baby ng husband niyang politician na si Miguel Luis `Migz’ Reyes Villafuerte ng isang baby girl na kanilang pinangalanang Kaia Rose.

It was last May when she was 18 weeks pregnant nang i-anunsyo ni Rachel sa kanyang Instagram account na ipinagbubuntis na niya ang magiging first baby nil ani Migz.

The couple got engaged in November 2019 at nagkaroon naman sila ng kanilang civil wedding last July 16, 2021 na ginanap sa Supreme Court.

Rachel considers first baby her most precious birthday gift on her 30th birthday last October 20.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE