Default Thumbnail

Joma ‘Leni adviser’?

April 8, 2022 Lee Ann P. Ducusin 512 views

DA, DTI, DSWD, DILG ‘ipamimigay sa NPA’

GOOD news ito sa mga tagasuporta umano ng teroristang New People’s Army (NPA), pero bad news naman sa buong bansa!

Ngayon pa lang kasi ay pinaplano na diumano ng kampo ni Leni Robredo na pabalikin ng Pilipinas si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison upang tumulong sa kanyang administrasyon sakaling manalo siya sa darating na halalan sa Mayo 9.

Si Joma ay kabilang sa ilang matataas na opisyal ng teroristang NPA na plano umanong bigyan ng puwesto sa gabinete ni Robredo.

Base sa ulat na nakalap ng intelligence community, ang ilan sa mga departamento na ipamimigay diumano ni Leni sa mga terorista ay Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Health (DOH).

Sinabi ng source na aktibo ngayon si Joma at isa raw sa “think tank” ng campaign team ni Robredo.

Katunayan, ang house-to-house campaign na ginagawa ngayon ng dilawan ay ideya raw mismo ni Joma dahil ang armadong grupo nito na NPA ang mismo umanong “escort” at bantay ng mga organizers ni Robredo sa kanayunan.

Kung matatandaan, mismong sina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkumpirma ng alyansang Leni at NPA terrorists.

Sinabi pa mismo ni Duterte na may planong manggulo ng alyansang Leni at teroristang NPA ngayong halalan matiyak lamang ang panalo ng pambato ng dilawan.

Si Joma, 83-taong gulang na ngayon, ay idineklarang “person supporting terrorism” ng bansang Amerika.

Nasa bansang Netherlands ito mula pa noong 1988.

Nahuli ito noong panahon ng Martial Law, November 1977, at nakulong ng halos siyam na taon.

Pinalaya ito ni Cory Aquino noong March 5, 1986, o halos isang linggo lamang ang nakalipas matapos ang Edsa People Power 1 noong February 25, 1986.

Ang administrasyon ni Cory Aquino, gayundin ang nangyaring pamahalaan ng anak nitong si Noynoy Aquino noong taong 2010 hanggang 2016, ay kilalang kaalyado umano ng mga teroristang NPA.

Si Robredo ay kilalang tagasuporta ng dilawan at ng mga Aquino, samantalang malapit naman daw ang loob nito sa mga teroristang komunista dahil sa mga naglabasang ulat kamakailan na may nakarelasyon itong miyembro ng CPP-NPA diumano, bagay na itinanggi na nito sa media.

AUTHOR PROFILE