Jolo ipinagmalaki ang pagtatapos ng Sustainable Leadership and Governance
Proud na proud si Sen. Bong Revilla sa asawang si Lani Mercado at sa dalawang anak sina Bryan at Jolo dahil sabay-sabay na nagtapos ng masters degree sa De La Salle University, Dasmarinas, Cavite.
Sa Facebook ay nag-upload ng larawan ng kanyang mag-iina ang aktor/politiko na kuha sa graduation day mga ito. Makikitang nakasuot ng toga ang tatlo.
“Congratulations on your Graduation Day — Mama, Kuya Bryan and Jolo! I’m so proud of your achievements and of the honor you’ve given our family!
“Pinatunayan nyo na edukasyon ang susi sa katuparan ng mga pangarap at walang imposible sa sinumang nagpupursigi. Here’s to endless possibilities and more success in the coming years!
“You are my pride, my joy and my inspiration! Saludo si Papa sa inyo! Again, congratulations on your Masters degrees. PhD next? Game!” caption ni Sen. Bong.
Sa separate Instagram post naman ni Jolo ay ibinahagi niyang pare-pareho ang kurso nilang tatlo — Sustainable Leadership and Governance.
“Buong galak at pagmamalaki ko pong ibinabahagi sa inyong lahat na natapos at nakamit na po ng inyong lingkod ngayong araw ang aking Master’s degree sa kursong Sustainable Leadership and Governance sa De La Salle University-Dasmariñas.
“Iniaalay ko po ang panibagong tagumpay na ito sa aking asawa at pamilya, mga kaibigan at kasamahan sa paglilingkod, at sa lahat ng aking mga kababayan sa Unang Distrito ng Cavite.
Naniniwala po ako na ang patuloy na pagpapanday sa ating kaalaman at mga kakayahan sa larangan ng serbisyong publiko ay makatutulong upang maging mas mahusay, makatao, at epektibo ang ating panunungkulan bilang lingkod-bayan.
“Nais ko rin pong batiin ang aking Mama na si Cavite 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla, at ang aking nakatatandang kapatid na si Agimat Partylist Representative Bryan Revilla na kasabay rin nating nagtapos sa kaparehong kurso,” pahayag ni Jolo.