Jojo pinabulaanan ang tsismis sa kanila ni Mark

February 20, 2025 Aster Amoyo 296 views

Jojo1Jojo2SINGER-businessman and Star Music’s newest recording artist Jojo Mendrez is hogging the spotlight hindi lamang dahil sa kanyang 45M views across all social media platforms kundi dahil sa kontrobersiya linking him to Kapuso actor Mark Herras matapos maispatan ang dalawa na magkasama sa casino ng Okada Hotel kamakailan lang.

Lalupang lumakas ang ugong ng balita tungkol sa dalawa nang mag-surprise appearance si Mark sa mediacon ni Jojo last February 18 sa isang restaurant in Quezon City na may bitbit na flowers for the singer-businessman sabay yakap sa kanya.

Before the presscon ay klinaro na ni Jojo na wala umanong namamagitan sa kanila ni Mark kundi bilang magkaibigan lamang. Ang sighting sa kanila sa casino at matapos umanong kunan ang `dance’ part si Mark na kinunan sa room ng manager ni Jojo sa nasabing hotel para isama sa music video ng kanya trending revival song na una unang pinasikat ng namayapang teenstar na si Julie Vega who passed on at age 16 nung May 6, 1985 due to lung cancer, ang “Somewhere in My Past”.

After the dance shoot ay nagkayayaan umano sila sa casino pero hindi na sumama ang manager ni Jojo. Ayon sa singer, nauna na umano siyang umalis kay Mark at nagpaiwan pa ang actor at nanalo pa umano ito ng P60,000.

Ang surprise appearance ni Mark na may bitbit na flowers with matching yakap sa presscon mismo ni Jojo only added fuel sa intriga sa dalawa pero ayaw na itong patulan ng dalawa dahil mas alam umano nila ang totoo.

SAMANTALA, hindi umano ikinahihiya ni Mark ang kanyang pagsayaw sa gay bar dahil extra income din umano niya ito for his family lalupa’t magkakaroon na sila ng second child ng kanyang wife (a baby girl) sa kanyang wife, ang actress na si Nicole Kim Donesa at nagpa-renovate sila ng bahay.

Bago nag-asawa si Mark ay Nicole, he was romantically linked sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, sa actress-entrepreneur na si Ynna Asistio maging ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez.

Si Mark ang tinanghal na Ultimate Male Survivor (opposite Jennylyn Mercaco) sa unang season ng reality talent show, ang “StarStruck” ng GMA kung saan nagsimula ang kanyang career nung 2004.

Vina masaya sa pagbabalik sa GMA

VinaVina1BALIK-GMA ang singer-actress na si Vina Morales at abala ito ngayon sa taping ng “Cruz vs Cruz” na pinagbibidahan nila ng `La Primera Contravida’ actress na si Gladys Reyes mula sa pamamahala ni Gil Tejada, Jr. for an afternoon prime slot.

Sa GMA nagsimula ang TV career ni Vina nang siya’y maging bahagi ng now-defunct youth-oriented program na “That’s Entertainment” at “GMA Supershow” ng yumaong Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno kaya magsisilbing `homecoming’ ang kanyang pagbabalik-Kapuso matapos siyang maging Kapamilya ng maraming taon. Nananatiling namang Kapamilya ang kanyang youngest sister na si Shaina Magdayao.

Over at GMA, masaya si Vina sa kanyang muling pagbabalik to work with Gladys na dati rin niyang kasamahan sa “That’s Entertainment”.

Sina Vina at Gladys ang lead stars ng “Cruz vs Cruz” na tinatampukan din nina Neil Ryan Sese, Pancho Magno, Kristoffer Martin, Lexi Gonzales at iba pa.

Samantala, Vina became a mom at age 33 to her almost 16-year-old daughter na si Ceana Lee sa kanyang ex-boyfriend, ang businessman at controversial figure na si Cedric Lee.

The singer-actress single-handedly raised her daughter without asking for financial help from the rich dad of Ceana. Her daughter is her inspiration kung bakit siya ganadong magtrabaho dahil gusto niya itong mabigyan ng magandang future.

Vina started out as a young singer nang ito’y maispatan sa Cebu Pop Music Festival nung 1986 at ito’y dinala sa Viva. It was the late Mina Aragon who gave Vina her screen name of Vina Morales na ang real name ay Sharon Garcia Magdayao. Hindi puwedeng gamitin ni Vina ang Sharon dahil namamayagpag na noon ang megastar na si Sharon Cuneta sa bakuran ng Viva.

Viva shaped Vina into a fine singer and recording star and eventually sa pagiging movie star. On same year (1986) that she was brought to Viva, isinama rin siya sa “That’s Entertainment” family ni Kuya Germs on GMA which groomed her hindi lamang bilang singer-actress kundi bilang host and dancer and the rest ay history nang maituturing.

Si Vina ay panganay sa apat na magkakapatid na pawang babae at si Shaina ang kanyang youngest sister.

Buhay ni Alex Calleja hindi nakatatawa

AlexAlex1TOP Filipino stand-up comedian, writer, director at producer na si Alex Calleja is a self-made man. Ginawa niyang inspirasyon ang kanyang mahirap na pinagdaanan habang siya’y lumalaki bilang bunso sa sampung magkakapatid (labas pa rito ang iba pang sampung kapatid sa tatlo pang pamilya ng kanyang namayapang ama) na ang ama ay isang chickboy at nagta-trabaho sa PNR habang ang kanyang ina naman ay parating nagsusugal sa pamamagitan ng mahjong. Lumaki silang sampung magkakapatid sa ganung sitwasyon hanggang nasanay na sila na hindi na nila nakakasama ang kanilang ama.

Walang gaanong bond memories si Alex sa kanyang namayapang ama pero hindi umano siya nagtanim ng galit dito. Katunayan, nang magkasakit at mamayapa ang kanyang ama (sa piling ng kanyang pang-apat na pamilya) ay siya umano ang tumulong kahit sila’y tinalikuran nito. Ang pinanghihinayanan lamang ni Alex ay wala silang bonding moments and good memories with his late father na nagkaroon ng three other families bukod sa kanila na siyang original family.

Ayon kay Alex, it was his late father ang nagturo sa kanyang inang magsugal para hindi siya nasisita kapag hindi siya umuuwi ng bahay. Hanggang nakasanayan na umano ng kanyang ina ang bisyo even up to now that she’s 94 dahil ito umano ang kanyang libangan na hinahayaan na lamang nilang magkakapatid.

Si Alex ay unang namasukan bilang IT guy matapos siyang magtapos ng two-year-course in Computer Science sa AMA. Later on ay tinulungan siya ng kumpanyang kanyang pinasukan na tapusin ang kanyang four-year-course in Computer Engineering para mabigyan ito ng magandang posisyon.

Kahit sa school pa lamang ay nakakitaan na si Alex sa galing nitong magpatawa at ang mga teachers at estudyante ang kanyang audience na dinala niya sa kanyang trabaho at mga officemates naman niya ang nakikinig sa kanya during breaktime. Siya umano ang naging paboritong host ng kanilang mga company events. Hanggang mapunta siya sa telebisyon hindi lamang sa pamamagitan ng pagpapatawa kundi bilang writer ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit,” “It’s Showtime” at iba pa. Pero ang kanyang hilig magpatawa ay hindi na nawala sa kanya hanggang maimbitahan na rin siya sa iba’t ibang corporate events at makilala siya bilang stand-up act comedian.

Dahil sa pagiging in-demand na noon ni Alex, napilitan siyang magpaalam sa kanyang regular job sa isang BPO company. At nag-focus na siya sa kanyang bagong profession bilang stand-up act, writer, director at producer that led him to perform hindi lamang sa iba’t ibang TV guestings, corporate events and special shows sa malalaking venue kundi maging sa iba’t ibang bansa maging him the top male stand-up act sa kasalukuyan.

Maging ang sikat na Filipino-American stand up comedian na si JR de Guzman ay pinabilib niya.

Ang kasikatan ni Alex ay nagdala sa kanya sa Netflix sa sarili niyang show na pinamagatang “Pagdating ng Panahon” na nag-number 1 sa nasabing streaming platform.

Dahil sa magandang income na ngayon ni Alex ay nabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya, his mother at mga kapatid maging ang sarili niyang pamilya – his wife and their two sons na ang panganay ay nagtapos sa De la Salle University at isa na umanong financial consultant habang ang bunso ay nag-aaral ngayon sa Colegio de San Agustin in Makati.

Watch our exclusive interview kay Alex Calleja sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel this Friday, February 21 at 12:00 noon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE