John

John waging best actor Venice filmfest, maraming na-miss

September 12, 2021 Aster Amoyo 369 views

TOTOO ang kasabihang `there is light at the end of the tunnel’ at ito’y nangyari sa award-winning actor na si John Arcilla na siyang nanalo ng Volpi Cup for Best Actor sa 78th Venice International Film Festival (La Biennale de Venezia Film Festival) dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “On The Job : The Missing 8” na dinirek ni Erik Matti. The award was received on his behalf ni Direk Erik with a taped acceptance speech of the actor was shown. Hindi personal na nakadalo ang actor sa awards night sa Venice dahil ito’y naka-lock-in taping sa Vigan, Ilocos Sur para sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Alam ng marami na may personal na pinagdadaanan ngayon si John dahil sa magkasunod na pagpanaw ng kanyang elder brother na si Emmanuel at youngest sister na si Teresa dahil sa Covid-19 habang ang kanilang ama ay namayapa nung April 5, 2020 sa gitna na pandemya dahil sa heart failure.

Gayunpaman, ipinakita pa rin ng award-winning actor ang kanyang pagiging professional bilang actor sa kabila ng kanyang pinagdadaanan. Nakakapanghinayang man na hindi personal na natanggap ni John ang kanyang kauna-unahang international best actor mula sa Venice International Film Festival in Venice, Italy, napakalaking karangalan ito hindi lamang para sa actor kundi sa buong Pilipinas at sa buong local film industry.

In the movie, John played the role of Sisoy Salas, isang corrupt reporter ng isang local newspaper. Ang pelikulang “On The Job: The Missing 8” ay sequel sa 2013 film na “On The Job” na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Gerald Anderson na dinirek din ni Erik Matti. Nakasama ni John sa “On The Job: The Missing 8” sina Christopher de Leon, Dennis Trillo, Dante Rivero, Lotlot de Leon, Leo Martinez, Joey Marquez, Eric Fructuoso, Vandolph Quizon, Agot Isidro at Soliman Cruz. Ito’y mula sa panulat ni Michico Yamamoto.

Ang “On the Job: The Missing 8” ay isa sa 21 international films in competition sa 78th Venice International Film Festival na nagsimula nung September 1 at nagtapos nung September 11, 2021. Ang South Korean director na si Bong Joon-ho ang nanguna sa board of jurors, making him the first South Korean director na napabilang among the jurors ng nasabing international film festival.

Kung si John ang nakakuha ng Coppa Volpi for Best Actor, ang Spanish actress na si Penelope Cruz naman ang nanalong Best Actress for the movie “Parallel Mothers” habang ang screenwriter-director from New Zealand na si Jane Campion ang nakapag-uwi ng Silver Lion for Best Director para sa pelikulang “Power of the Dog”. Dalawa naman ang nakatanggap ng Golden Lion for Lifetime Achievement Awards, ang Italian actor, writer at director na si Roberto Benigni at ang American actress na si Jamie Lee Curtis.

Sobrang maraming na-miss ang actor na si John Arcilla sa Venice International Film Festival. Bukod sa hindi niya personal na natanggap ang kanyang Best Actor trophy, hindi rin niya naranasang maglakad sa red carpet ng nasabing filmfest at makahalubilo ang iba’t ibang international stars, actors (including Hollywood actors) directors, producers sa nasabing event.

AwardsBen idinisplay si Jennifer sa Venice filmfest

SPEAKING of the recently-concluded Venice Film Festival in Italy, dumalo sa red carpet premiere ng pelikulang “The Last Duel” ang nagkabalikang Hollywood stars na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck last Friday, September 10 sa nasabing film fest. Ang nasabing pelikula ay pinagbidahan ni Affleck alongside his best fiend na si Matt Damon. Ang nasabing appearance ng dalawa was their first public appearance together after 18 years magmula nang sila’y magkahiwalay after they got engaged. Ang dalawa ay huling dumalo na magkasama on a red carpet sa Los Angeles premiere ng kanilang pelikulang “Gigli” nung July 2003. The couple ay nagkahiwalay nung 2004.

ShamceyShamcey naka-recover na sa Covid 19

NAKA-RECOVER na ang 2011 Miss Universe 3rd runner-up at National Director ng Miss Universe Philippines na si Shamcey Supsup-Lee matapos itong tamaan ng Covid-19 coronavirus.

Hindi talaga guarantee ang anti-Covid-19 vaccine para hindi tamaan ng virus ang isang tao dahil fully-vaccinated na ang architect-turned beauty queen.

Bukod kay Shamcey, marami na ring mga kilalang personalidad ang nagka-Covid-19 including politicians. Maging ang dating Pangulo at mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada ay hindi rin nakaligtas sa deadly virus na kumitil na ng mahigit 30,000 Filipinos and millions all over the world.

LJLJ may pinagkakalibangan na sa New York

STILL hurting sa paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis, Kapuso actress LJ Reyes is currently in New York City, USA with her two kids na sina Aki (11) at Summer (2) kung saan naka-base ang ina ng actress.

Para malibang, dumalo ang actress sa New York Fashion week na madalas daluhan ng singer, actress, painter at fashion icon na si Heart Evangelista (aside from Paris Fashion Week).

Nagmistulang fan girl si LJ nang mapanood sa isang fashion show ang top model na si Gigi Hadid.

Wala pang ibinabahagi ang Kapuso actress kung kailan ito babalik ng Pilipinas para naman harapin ang kanyang trabaho.

It was only last month nang sumabog ang balita na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ni Paolo kung kanino siya may more than two-year-old daughter na si Summer Ayanna. Ang panganay ni LJ na si Aki ay anak naman niya sa dating Kapuso actor at ngayon ay isa nang Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Ang pamilya ni LJ sa New York ang kanyang takbuhan sa tuwing may pinagdaraanan siya.

Samantala, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng aktres na si Yen Santos dahil sa pagkakadawit niya sa break-up nina Paolo at LJ. Although nagpaliwanag na si Paolo na wala umano kinalaman si Yen, marami ang hindi naniniwala.

Sina Paolo at Yen ay nagkalapit sa isa’t isa nang gawin nila ang pelikulang “A Faraway Land” na dinirek ni Veronica Velasco at palabas ngayon sa Netflix.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE