Default Thumbnail

John umalma sa pagkaka-link kay Barbie

January 7, 2025 Vinia Vivar 94 views

Nagsalita na rin si John Estrada hinggil sa pagkaka-link niya kay Barbie Imperial.

Sa Instagram account ng aktor ay ipinost niya ang lumabas na artikulo sa isang online site na nagsasaad na tila nagkakalabuan sina Barbie at Richard Gutierrez dahil kay John.

Mababasa rin sa artikulo na pinag-uusapan daw ang growing closeness nina John at Barbie sa set ng “FPJ’s Batang Quiapo” na ipinagseselos naman umano ni Richard.

Isang naghuhumiyaw na “FAKE NEWS” ang inilagay ni John sa nasabing news item at sinabing “kalokohan” ang nasabing balita.

“Unang Una Hindi ko alam kung Sino o Saan nag simula ang Kalokohan na to, na naglilink sa amin ni barbie imperial,” ang bungad ng aktor sa caption.

Ayon pa kay John ay hindi niya kilala si Barbie on a personal level at isang beses pa nga lang niya itong nakita.

“Hindi ko po kilala si barbie imperial, kilala ko sya Bilang isang Artista pero hindi po sa personal na lebel, sa talam buhay ko, minsan ko lang lang ho sya nakita sa xmas special ng abs cbn ng 2021 or 2022, at yun na ho ang huling pagkikita namin sa naalala ko,” paliwanag ni John.

“Totoo po mag kasama kame sa Batang Quiapo pero ni minsan e HINDI kame nagkita dahil po iba ang grupo nya, unit, at direktor nya, kung sino man nag simula nito e puede ka maging komedyante,” patuloy ng aktor.

Payo niya, mag-research naman daw muna kung totoo ang balita bago ilabas.

“At sa mga online newspaper, o tabloid or tsismis sites, e bago nyo cguro ilabas ang isang bagay e mag research naman kayo kung merong kahit na 0.1 percent na katotohanan, yun lang po at maraming salamat. Happy new year po uli sa inyong lahat,” pagtatapos ng aktor.

Bago ito ay nagsalita na rin si Barbie through Ogie Diaz na fake news nga ang balitang ito at tulad ng sinabi rin ni John, never pa raw silang nagkita sa set ng “FPJ’s Batang Quiapo.”

AUTHOR PROFILE