John Arcilla

JOHN NAGREKLAMO

December 23, 2024 Vinia Vivar 112 views

Kahit ang aktor na si John Arcilla ay nagrereklamo na rin sa sobrang taas ng bilihin ngayon.

Sa post ng aktor kahapon sa X, napamura pa siya sa sobrang mahal ng mga gastusin.

“Hindi ako nagyayabang na mas mataas ang kita ko sa average na wage earner at sa mas MARAMING PILIPINO. Pero PUNYETA ang taas na ng bilihin ngayon ng BASIC COMODITY sa palengke,” reklamo ng award-winning actor.

Sey pa niya, dati ay P3-P4,000 ang pang-isang linggong pagkain nila at take note, alam niya talaga ang mga presyo ng gulay, isda at karne.

“Mga 5-6 years ago yung 3-4 na libo pang 1 linggo na kasama na dun ang GULAY, ISDA at KARNE. (1,500 na gulay PAMALENGKE, 1,500 na isda at karne) Ngayon pamalengke ng isang linggo 8-10 thousand pesos,” aniya.

Aniya, mas mataas ang kita niya sa karaniwan pero nalulula pa rin siya sa mahal ng mga bilihin.

“Kumikita ako ng mataas sa karaniwan. PERO NALULULA NA AKO SA GASTOS. PAANO PA YUNG SIMPLENG MAMAMAYAN? Kala ko ba TITINO NA TAYO? Ano na?” ang rant ni John.

Isang malawakang pagsang-ayon ng netizens ang natanggap ng aktor at kanya-kanya rin sila ng pagse-share ng kanilang malaking gastusin.

AUTHOR PROFILE