John Lloyd Cruz

John Lloyd tahimik pa rin tungkol sa bagong projects

August 4, 2021 Aster Amoyo 566 views

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ibinabahagi ng Kapamilya network ang dahilan kung bakit nakipag-meeting ang (dati) nilang prime actor na si John Lloyd Cruz kasama si Marilen Nunez, isa sa mga incorporator ng Crown Artists Management na pinamumunuan ng singer-actress-dancer na si Maja Salvador. Ang CAM ang siyang bagong talent management company ni John Lloyd after being with Star Magic of ABS-CBN since the start of his career in 1997. He took a leave of absence from showbiz in October 2017 and made his comeback recently nang siya’y mag-guest sa launch ng isang online app na ginanap sa Araneta Coliseum hosted and produced ng TV host na si Willie Revillame.

John Lloyd had a meeting with GMA Pictiures president and programming consultant na si Annette Gozon-Valdez at GMA Programming head na si Joey Abacan but the two are both mum kung anong project ang gagawin sa kanila ng actor. May lumulutang ding balita na gagawa umano si JLC ng sitcom sa GMA na pagtatambalan nila ng ex-girlfriend ni Derek Ramsay na si Andrea del Rosario which will be co-produced ng GMA at ng sariling produksyon ni Willie, ang WBR Entertainment Production, Inc. na nakatakdang pamahalaan ng singer-actor-comedian-turned director na si Edgar `Bubot’ Mortiz.

Kathryn na-delay ang pagpapagawa ng dream house

TWENTY-five-year-old Kapamilya young superstar Kathryn Bernardo is now in the middle of building her dream house with her family which took three years of planning. Nung March 9, 2020 lamang nangyari ang groundbreaking at dahil sa lockdown at pandemic, nagkaroon ng delay sa contruction ng bahay ni Kathryn.

Kathryn Bernardo

Samantala, tiyak na nagbubunyi ngayon ang KathNiel fans dahil tuloy na ang bago nilang teleserye ng kanyang ka-loveteam and boyfriend of more than 8 years na si Daniel Padilla. Nakatakda rin silang gumawa ng bagong movie. Ang last movie ng dalawa ay ang blockbuster movie na “The Hows of Us” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina in 2018.

Sharon bumalik ng bansa para i-promote ang bold film

NAKA-TEN-DAY quarantine ang megastar na si Sharon Cuneta matapos itong bumalik sa bansa galing Amerika where she stayed for two months kaya tuwang-tuwa ang kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel na sobrang nasabik sa kanya. Nasa Amerika pa rin hanggang ngayon ang panganay niyang anak (kay Gabby Concepcion) na si KC Concepcion who plans to stay in the US a little longer dahil naghahanap na ito roon ng apartment na kanyang mare-rentahan.

Sharon Cuneta

Timing ang pagbabalik-Pilipinas ni Sharon dahil ipalalabas naman ang kanyang comeback movie sa bakuran ng Viva Films, ang controversial movie na “Revirginized” kung saan niya kapareha ang young actor na si Marco Gumabao at mula sa panulat at direksiyon ng controversial ding director na si Darryl Yap.

Bukod sa Vivamax, ang “Revirginized” ay mapapanood simula sa August 6 sa iba’t ibang digital platforms including KTX.ph na marami na umanong pre-sold tickets.

Sharon considers her latest movie as her first `bold’ film.

Nesthy taranggap din ng mga biyaya tulad ni Hidilyn

MATAPOS gumawa ng kasaysayan sa 2020 Summer Olympics ang kauna-unahang Filipino athlete na nakakuha ng gold medal na si Hidilyn Diaz, isa pang Pinay ang nakapag-uwi ng Olympics silver medal sa bansa, ang 29-year-old woman boxer na si Nethey Petecio after her match with Japan’s Sena Irie na siyang nakakuha ng gold medal.

Nesthy Petecio

Si Nesthy ang kauna-unahang Filipino na nakakuha silver medal sa Olympics.

Sa kanyang pagbabalik sa bansa ay may naghihintay nang cash prizes, a full-furnished condo unit at iba pang incentives sa kanya.

Ang Davao-based businessman na si Andrew Tan ng Suntrust Properties ay nag-commit ng P10-M worth of a fully-furnished condo kay Neshty. Ito’y bukod pa sa P17-M cash na naghihintay sa kanya with breakdown as follows: P5M ang magmumula sa Philippine Sports Foundation, P5-M mula sa Manny V. Pangilinan Foundation, P5-M mula sa San Miguel Foundation ni Ramon Ang at P2-M na magmumula sa Deputy Speaker at businessman na si Rep. Mikee Romero. Bukod dito, tatanggap din siya ng unlimited flight mula sa Philippine Air Lines at Cebu Pacific at 5-year unlimited flight mula sa Air Asia. Ang nasabing premyo ay tiyak na madadagdagan pa kapag ito’y nakabalik na ng Pilipinas.

Tulad ni Hidilyn Diaz na ang ama ay dating tricycle driver, farmer at fisherman, si Nesthy ay nagmula rin sa isang mahirap na pamilya sa Davao del Sur. Dati ring magsasaka ang kanyang amang si Teodoro habang plain housewife naman ang kanyang inang si Prescilla.

At a young age, unang nagkahilig si Nesthy sa larong basketball pero agad ito nabaling sa boxing nang makita niya ang kanyang mga kapatid na tini-train sa nasabing sports ng kanilang ama when she was 7 years old.

Ang openly gay na si Nesthy ay nagsimulang sumali sa mga barangay boxing competitions when she was 11 sa Araw ng Davao na ginanap sa Rizal Park ng Davao City. Lalake ang nakalaban ni Nesthy pero natalo niya ito. Isa sa mga nakapanood sa laban ni Nesthy ang nag-endorse sa kanya sa Philippine Women’s Team coach na si Roel Velasco. Kasunod na rito ang kanyang pag-compete sa 2007 Smart National Youth and Women’s Open Boxing Championship na ginanap sa Cagayan de Oro kung saan nasungkit niya ang gold medal.

Since bahagi na si Nesthy ng National Boxing Team, she represented the country sa iba’t ibang boxing competitions sa iba’t ibang bansa. She took a silver medal sa 2014 AIBA Women’s World Championship, bronze medal sa 2011 and 2012 Asian Championships, a gold medal sa 2015 Indonesia President’s Cup and a gold sa 2019 Thailand Open International Boxing Championship. Pero dumaan sa depression si Nesthy between 2014 to 2018 when she failed to bag any medals dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend. Pero bumawi siya in 2019 nang makamit niya ang gold medal sa Open International Boxing Championship na ginanap sa Thailand.

Si Nesthy ay panibagong Olympic pride ng Pilipinas next to Hidilyn.

AUTHOR PROFILE