john lloyd

John Lloyd, emosyonal sa paglabas sa GMA

June 7, 2021 Vinia Vivar 235 views

Nag-trending sa Twitter ang pangalang John Lloyd Cruz last Sunday kasabay ng kanyang pagbabalik-telebisyon sa ginanap na event ng isang shopping app.

Mid-year sale event ito na napanood live sa GMA-7. Ito ay pagpapatunay na na-miss talaga ng tao ang magaling na aktor.

Napakaganda ng introduction ni Willie kay Lloydie bago lumabas ang aktor to perform Yakap na akmang-akma rin ang lyrics sa kanya dahil tungkol sa pagbabalik ang naturang awit.

After Lloydie’s performance ay sinamahan siya ni Willie at binigyan ng napakainit na pagtanggap.

Sa umpisa pa lang ng pag-uusap nila ay halatang medyo emosyonal na si Lloydie.

Tinanong ni Willie kung ano ang nararamdaman niya ngayon at sey ng aktor, “Nagpapasalamat sa ‘yo, ’eto ako ngayon. Excited. Excited to be back.”

He added, “Kuya Willie, ‘andito ako dahil sa ‘yo. Thank you,” at niyakap siya ng TV host.

Parang maiiyak naman si Willie when he said, “Pinagdaanan ko rin ‘yan, marami ring taong tumulong sa akin. Pero ang importante, Lloydie, nakausap kita, nagkausap tayong dalawa, napakaganda ng puso mo, napakaganda ng pagkatao mo. Mahal na mahal mo si Elias, mahal na mahal mo ‘yung anak mo. Nami-miss ka naming lahat.”

Kitang-kita naman kay Lloydie na pinipigilan niyang maiyak habang nagsasalita si Willie.

“Welcome back sa industriya kung saan ka nagsimula at alam kong dito tayo magtatapos. Welcome back, John Lloyd Cruz,” sey pa ni Willie.

In-acknowledge naman ni Willie sa audience ang manager ni Lloydie ngayon na si Maja Salvador at ang boyfriend nitong si Rambo Nuñez.

Sa huli ay inanunsyo ni Willie na may gagawin silang primetime show ni Lloydie kaya abangan.

Isa rin sa mga nag-welcome kay Lloydie sa GMA-7 ay ang Kapuso na si Jennylyn Mercado na naging guest co-host sa naturang event.

“John Lloyd, welcome sa GMA,” masayang wika ni Jen kay Lloydie at nagkatawanan sila, halatang parehong masaya sa pagkikita nilang muli matapos nilang gawin ang pelikulang Just the 3 of Us five years ago.

NETIZENS, PABOR SA PING-TITO SEN TANDEM

mula nang lumabas ang balita ng posibleng pagta-tandem nina Senate President Tito Sotto at Sen. Panfilo “Ping” Lacson, naging maingay na agad ito at napakaraming na-excite.

Matatandaang nagsalita si Tito Sen na tatakbo siyang vice president kung si Sen. Ping ang ka-tandem niyang presidente.

Maging ang veteran showbiz columnist/talent manager na si Lolit Solis ay na-excite at nagsabing pabor siya sa Ping-Tito tandem.

Hinihintay pa rin hanggang ngayon ang statement ni Sen. Ping tungkol sa pahayag ni Tito Sen pero sa kanyang Twitter account ay may matalinhaga siyang post na tila sagot sa mga nagtatanong.

“Sailing into the sea is the easiest decision to make. Not knowing how rough the water is the dangerous part. Measuring one’s skills in steering the boat is a big responsibility especially when people’s lives depend on it. Best to think long and hard. It is not a game or a joke,” ang tweet ni Sen. Ping.

Kung lilimiin ay mukhang pinag-iisipan pang mabuti ng senador kung kakandidato siya o hindi bilang presidente ng bansa.

Marami namang netizens ang nagkomento’t kinukumbinsi siyang tumakbo.

AUTHOR PROFILE