John at Priscilla nag-agree ‘to take a break’… aktor dinenay ang relasyon kay Lily Hallman
Naglabas na ng official statement si John Estrada hinggil sa mainit na pinag-uusapan ngayong hiwalayan nila ng asawang si Priscilla Meirelles.
Sa kanyang Instagram Story ngayong hapon ay kinumpirma ng aktor na napag-usapan nila ni Priscilla “to take a break.”
“Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now,” simula ng statement ni John.
Sinabi ng aktor hindi niya gustong masaktan ang mga taong mahal niya.
“There’s more to the story but the last thing I want to do is to hurt the people I love,” aniya.
Kasunod nito ay nilinaw ni John na wala silang relasyon ni Lily Hallman, ang babaeng ibinuking ni Priscilla na kasama niya sa pagbabakasyon sa Boracay.
“I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any other woman for that matter. I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather,” paliwanag ng aktor.
Sa huli ay nakiusap si John ng privacy dahil ito raw ay isang private family matter.
“This is a private family matter that’s why l ask for privacy as we deal with this. Thank you!” saad niya.
Sa ibaba ng statement ay naglagay din ng tatlong praying hand emojis si John.
Bukod dito inalmahan din ng aktor ang naglabas ng fake quotation/post niya na diumano ay sinabi niyang “Lalake ako, maraming nagkakagusto sakin kasi matipuno, mabait at gwapo tayo. Anong magagawa ko kung tukso na yung lumalapit, edi tukain!”
Ipinost ni John ang screenshot ng isang social media page na may username na Zumba Dance Chis’mis na siyang nag-post ng kanyang fake quotation.
“FAKE NEWS” ang caption ni John with angry red face emojis.
Nagbanta rin ang aktor na kakasuhan niya kung sinuman ang taong ito.
“FAKE NEWS, MAG KITA TAYO SA KORTE SOON KUNG SINO KA MAN,” ang hamon ni John.