John

John at Priscilla may problema sa pagsasama

April 2, 2023 Aster Amoyo 350 views

IS the marriage of actor John Estrada and Brazilian former beauty queen and occasional actress Priscilla Mereilles heading for splitsville?

May balitang may matinding pinagdadaanan ngayon ang pagsasama ng couple at may third party (sa side ng actor) umanong dahilan.

John was formerly married to actress Janice de Belen with whom he has four grown-up children na sina Ina, Kaila, Moira at Yuan pero nagkahiwalay sila nung 2004 after being together for barely 12 years.

John and Priscilla were married in La Union on February 26, 2011 and blessed with an 11-year-old beautiful daughter na si Samantha Anechka.

Ayon sa balita, isa umanong social media influencer from Cebu ang dahilan ng problema ngayon ng mag-asawang John at Priscilla.

Bago nagkakilala sina John at Priscilla ay dalawang beses itong kumatawan sa Brazil sa Miss Globe International at sa Miss Earth na ditto sa Pilipinas ginaganap.

Gardo maayos na matapos isugod sa ospital

GardoISINUGOD ang actor na si Gardo Versoza sa Cardinal Medical Center in San Juan City kung saan siya sumailalim ng angioplasty procedure matapos magka-heart attack nung Miyerkules, March 28. But he is on his way to full recovery.

Nagpalasamat ang actor sa mga doctor at mga taong nagdasal for him.

“Thanks for everything, shugs I love you. Thank you LORD, thank you doctors#heartattack,” mensaheniyasakanyang Instagram account.

Sen. Bong nagpapagaling pa pero marami nang ganap

BongANG isa pang nagpapagaling ngayon matapos tanggalan ng gallstones ay si Sen. Ramon `Bong’ Revilla, Jr.

Bago ang procedure, the couple celebrated their 25th church wedding anniversary nung March 25 kung saan binigyan ng actor-politician ang kanyang misis ng flowers.

Nag-post naman ng pagbati sa kanyang IG account ang misis ni Sen. Bong nasi Rep. Lani Mercado-Revilla.

“Anniversary Surprise!!! I can’t imagine that it has been 25 years since we had our Church Wedding at Imus (Cavite) Cathedral. Dubbed as the “Centennial Wedding” since it happened in 1998, the 100th year celebration of Philippine Independence. Ako na ang makakalimutan ngayon sa dami ng ganap. I love you@bongrevillajrph (with heart emoji). You are truing amazing!!! Happy Anniversary!!!”

Kylie malaki ang laban bilang best actress

GeraldTIYAK na matutuwa ang ama ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na si Sen. Robin Padilla kapag napanood nito ang pelikula ng anak, ang “Unravel” na pinagtatambalan nila ni Gerald Anderson under Mavx Media Productions at dinirek ni JC de los Reyes mula sa panulat ni Senedy Que.

Ang pelikulang “Unravel” ay isa sa walong official entries ng kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival (MMSFF) na magsisimula ngayong April 8 hanggang April 18, 2023 with the awards night na nakatakdang ganapin on April 11 at the New Frontier Theater in Quezon City.

Para sa amin, malaki ang laban ni Kylie sa Best Actress award .

Ang “Unravel” ay maituturing na best acting piece ni Kylie since she started her showbiz career in 2006.

Most of the scenes ng “Unravel” ay kinunan sa mga scenic spots ng Switzerland.

Loveteams, lovers and exes at Star Magical Prom Night

SethAndreaAndrea1NAGKITA-KITA sa Star Magical Prom Night last March 30 ang dating magka-loveteam at magkasintahang Andrea Brillantes at Seth Fedelin at ang isa pa nilangkasamahansa Gold Squad na si Francine Dia. Kasama ni Andrea ang nobyo ngayon na si Ricci Rivero.

May lumabas na balita na wala na umano ang dating pagkakaibigan nina Andrea at Francine dahil kay Seth.

Gayunpaman, masaya na si Andrea ngayon sa kanyang bagong boyfriend na si Ricci habang nagsisimula pa lamang ma-develop ang closeness sa pagitan nina Francine at Seth. Since pareho naman silang unattached ngayon, hindi rin malayong ma-develop sila sa isa’t isa.

Speaking of the very first Star Magical Prom Night, ang magka-loveteam (at magkasintahan?) na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang tinanghal na King and Queen ng prom night.

Sina Raikko Mateo at Krystal Mejes naman ang tinanghal na Freshman Prince and Princess na sinusundan nina Mackie Empuerto at Jayda as Sophomore Prince and Priincess, Reiven Umali at Anji Salvacion as Junior Prince and Princess habang sina Brent Manalo at Vivoree naman as Senior Prince and Princess.

Binigyan ng recognition ang iba’t ibang `promposals’ ng ilang magkakapareha tulad nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero na naganapsa concert ng Blackpink. Kakaiba naman ang ginawang `promposal’ ni Seth kay Francine na animo’y marriage proposal with matching fireworks pa.

Most viewed naman ang kina Seth at Francine na siya ring kinilalang “Most Kilig Promposal”.

Most Creative naman ang ginawang promposal ni Ricci kay Andrea habang second Best Promposal naman ang kina Jeremiash Lisbo at Kaori Oinuma na sinundan ng Best Promposal nina Ricci at Andrea.

Dahil sa malaking tagumpay ng kauna-unahang Star Magical Prom Night, malamang na gawin na rin itong taunan ng talent management arm ng ABS-CBN for their young talents.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE