TVJ

Joey, walang puknat ang tirada sa revamped ‘Eat Bulaga’

July 12, 2023 Vinia Vivar 695 views

Ayaw pa ring paawat ni Joey de Leon sa pagpapatutsada sa Eat Bulaga, na kalaban ng bago nilang noontime show sa TV5 na E.A.T.

May bagong banat na namang binitiwan ang Henyo Master na hinihinalang patama muli sa dati nilang programa.

Kalat na kalat ngayon sa social media ang video clip kung saan ay mapapanood ang naging pahayag ni Joey.

“Kami ang legit, ‘yung mga alam n’yo na, peke, baligtarin n’yo ‘yung legit… tigel na kayo,” ang banat ni Joey.

Makikita sa video na tahimik lang sa tabi niya si Vic Sotto habang nagpapalakpakan at nagsisigawan ang audience.

Ito ay sa gitna ng mga napapabalitang pinaghahandaan na ng revamped Eat Bulaga ang bonggang selebrayon ng 44th anniversary.

As usual, umani ng samu’t saring reaksyon ang hirit na ito ni Joey. May bumabatikos pero mayroon din namang uma-agree.

Anyway, balita rin na pinaghahandaan ng TVJ at E.A.T. ang ika-44th anibersaryo ng Eat Bulaga.

Sa isang panayam, nabanggit ni Tito Sotto na sila ang mas may karapatang mag-celebrate ng 44th anniversary ng EB.

AUTHOR PROFILE