
Joey espesyal ang regalo kay Maine
Espesyal ang birthday gift ni Joey de Leon sa Dabarkads na si Maine Mendoza dahil siya mismo ang nag-effort na gumawa nito.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Joey ang larawan ng portrait na gift niya kay Maine na siya mismo ang nag-paint.
Sa caption ay ipinaliwanag niya ang kanyang painting at nagpasalamat kay Maine sa 10 years nilang pagsasama sa “Eat Bulaga.”
“This is my gift to the Birthday Girl Maine — a self portrait with a touch of Yaya Dub (polka dots). Thanks Menggay for the happy and funny ten years as a Dabarkads!” saad ng tinaguriang Henyo Master.
Sa comment section ay sumagot naman si Yaya Dub ng “Thank you, Boss Joey! Love you.”
Kung follower kayo ni Joey sa IG ay makikita n’yong lately ay panay ang post ng TV icon ng kanyang mga art work.
Kadalasan ay fruits ang kanyang ipinipinta tulad ng atis, pinya, avocado at strawberry na iniregalo pa niya sa kanyang misis na si Eileen noong kaarawan nito last month.
Hangang-hanga naman ang kanyang fans at halos lahat ay nagre-request na sana’y magkaroon sila ng kahit isang painting ng Henyo Master.