Jodi Sta. Maria Jodi Sta. Maria / IG

Jodi Sta. Maria nag-show date kasama anak

December 17, 2023 People's Tonight 382 views

MASAYANG-MASAYA ngayon ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria, matapos maibahagi sa anak ang kauna-unahang regular show sa ABS-CBN.

Sey ng aktres mahigiy 20 years na rin bago niya masaksihan ulit ang isang madramang musical show.

Aniya, “It’s been more than 20 years since Tabing Ilog first aired on national television and now I finally got to see Tabing Ilog The Musical. What made it even more special was I got to share this experience with my son.”

“Hindi na nya kasi inabot ang Tabing Ilog..laging sa kwento ko nalang sa kanya na ito ang first regular show ko sa ABSCBN..ngayon napanood na nya 🤍 Sobrang nostalgic and lakas maka-flashback nung mga panahon na nag-taping kami sa Pagsanjan,” dagdag pa ni Jodi.

Sobrang bilib naman ang “Maria, Leonora, Teresa” star sa mga magaling ng cast ng nasabing musical show.

“Kudos sa cast! Ang galing nilang lahat. 👍🏻Maganda ang storya. Nakakaindak at nakakaiyak ang musika. Sobrang makakarelate ka talaga,” saad pa ni Jodi.

AUTHOR PROFILE