Jodi

Jodi, nadala ng election anxiety

May 9, 2022 Vinia Vivar 302 views

Nagkaroon man ng election anxiety si Jodi Sta. Maria, proud ang aktres dahil alam daw niyang tumindig siya.

Sa kanyang Instagram account kahapon ng umaga ay ipinost ni Jodi ang larawan ng daliri niya na namarkahan na ng indelible ink matapos bumoto.

Pag-amin ni Jodi sa caption, naging emosyonal siya habang nagmamarka ng kanyang mga napiling kandidato.

“Felt so emotional kanina while filling out my ballot. Nag-ingat nang husto sa pagmarka dahil baka hindi mabasa ng machine.

“Nu’ng nabasa na ng machine, lumabas ang resibo, napasobra ang lagay ng ink sa daliri ko halos napaiyak ako dahil mahapdi rin siguro dahil sa kakakutkot ko ng index finger ko bago bumoto. Election anxiety perhaps?

“Proud ako kasi alam ko tumindig ako.

“Vote wisely, Pilipinas! Sa boto mo nakasalalay ang kinabukasan mo,” ang caption ni Jodi.

AUTHOR PROFILE