Jodi Larawan at screenshot mula sa Instagram/@jodistamaria at @iam_iwa

Jodi hindi minasama ‘ober da bakod’ video ni Thirdy

September 6, 2023 People's Tonight 84 views

AYAW masamain ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria ang pagpo-post ng actress at reality television personality na si Iwa Moto ang isang CCTV clip ng pag-akyat sa gate ng kanilang bahay ni Thirdy Lacson na kanyang anak.

Sa video na ibinahagi ni MJ Marfori, tinanong si Jodi kung ano ang nararamdaman niya sa pagpo-post ni Iwa ng video ng “pag-oober da bakod” ni Thirdy na agad na nag-viral.

Pahayag ng award-winning actress na naniniwala siyang walang masamang intensyon si Iwa sa pagbabahagi ng viral video ni Thirdy at ayaw niya ring masamain ito.

Dagdag pa ni Jodi na baka nakita lang ito ni Iwa bilang cute o nakakatawang bagay na ginawa ng anak kaya niya na-post.

“You know what, Aileen and I are friends eh. So hindi ko naman—ayokong masamain ‘yung pagpo-post,” wika ni Jodi.

“I believe, na nai-post niya ‘yon because she found it siguro cute and funny ganyan. Naniniwala ako na wala naman siyang masamang intensyon para do’n sa post na ‘yon,” dagdag pa ng aktres.

Ani Jodi, marami lang sigurong makaka-relate sa video kaya rin nai-post ni Iwa.

“Siguro parang naiisip lang niya kasi andaming makaka-relate na aminin man natin o hindi, at one point, nasaraduhan tayo ng gate, napag-lock-an tayo ng pinto na hindi natin alam kung anong gagawin natin,” pahayag ng aktres.

“So, ‘yoon lang ‘yung akin do’n pero hindi ko siya minamasama,” aniya pa.

Matatandaang samu’t sari ang naging komento at reaksyon ng netizens sa pagbabahagi ni Iwa ng CCTV clip. Ang ilan nga’y nagpaabot ng kanilang pagkabahala na baka umano matuto lamang ang mga totoong akyat-bahay na looban ang bahay nila Iwa. Komento rin ng iba na huwag na sanang i-post ang ganoong video para sa safety ng kanilang pamilya.

AUTHOR PROFILE