Default Thumbnail

Jobless turned mucho na tulak timbog

July 8, 2023 Edd Reyes 168 views

AABOT sa halos P.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya mula sa umano’y dalawang tulak ng ilegal na droga na naaresto sa buy-bust operation Sabado ng madaling araw sa Navotas City.

Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Alan Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio “Pojie” Penones, Jr, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo, Jr. nagresulta sa pagkakatimbog nina Jordan Acain, 35, ng Blk 39, Salay-Salay St. Brgy. 12, at Rodel Mendoza, 48, ng 333 Sitio 1, Sangandaan, Brgy. 2, Caloocan City.

Dakong alas-2:30 ng madaling araw nang isagawa ng SDEU ang buy-bust operation laban sa dalawa sa Tanigue Extension, Brgy. NBBS-Dagat-Dagatan, Navotas na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.

Wala sa listahan ng pulisya ang pangalan ni Acain sa mga tinutugis na drug pusher kaya’t minanmanan muna siya bago nasakote.

Napag-alaman ng mga pulis na biglang naging “mucho dinero” si Acain kahit walang trabaho.

Matapos ang halos isang linggong pagmamanman, nakumpirma ng mga tauhan ni Capt. Rufo na nakipagsabuwatan na si Acain sa pagbebenta ng ilegal na droga kay Mendoza na matagal nang nasa listahan ng mga tulak ng illegal na droga.

Ayon kay Brig. Gen. Penones, anim na plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng kabuuang P394,400 ang nakumpiska sa dalawang suspek.

Nakatakdang iprisinta ng pulisya sa Navotas City Prosecutor’s Office ang dalawa para sa inquest proceedings kaugnay sa kakaharapin nilang kaso ng pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga sa ilalim ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

AUTHOR PROFILE