Default Thumbnail

Job well done!

October 11, 2023 Vic Reyes 296 views

Vic ReyesMAHALAGA ang papel na gampanan ng Customs Enforcement and Compliance Working Group (CECWG) ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang CECWG ay isang sectoral body ng ASEAN na naglalayong higit ba mapaganda ang “work processes, coordination, effectiness and efficiency” sa rehiyon.

Sa ginanap na pagtitipon ng 34th meeting ng ASEAN CECWG sa Davao City, inulit ng BOC ang kanilang “commitment in building robust connections and fostering shared learning among ASEAN customs administrations.”

Ang October 3-4 meeting ay nagsilbing “pivotal platform” ng Pilipinas para palakasin ng Pilipinas ang ugnayan nito sa iba’t ibang bansa, lalo na sa loob ng ASEAN.

Ang mga diskusyon ay sumentro sa mabilis na palitan ng best practices “to enhance enforcement and compliance measures for the protection of the ASEAN region.”

Sinabi pa ng BOC na “upholding efficient customs enforcement systems and robust compliance frameworks are essential to ensure the smooth movement of goods.”

Ito rin ay nakakapag-prevent ng illicit trade, nagpo-protekta sa intellectual property rights at nagpapabilis sa mga lehitimong business activities sa ASEAN.

Kudos sa BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, sa maayos na pag-host ng 34th meeting ng ASEAN Customs Enforcement and Compliance Working Group.

Job well done!

****

Sana naman magkaroon na ng solusyon sa nangyayaring giyera ng Israel at HAMAS.

Sa mga unang balita mula sa battlefront, may mga kababayan daw tayong nagtatrabaho sa Gaza at Israel ang apektado sa nangyayaring kaguluhan sa mga nasabing lugar.

Huwag natin kalimutan na nandiyan pa rin ang madugong bakbakan ng Russia at Ukraine.

Ang problema pa, baka maapektuhan ang oil supply sa buong mundo sakaling lumala pa ang sitwasyon sa Gaza at Israel.

Laking pahirap sa mundo, kasama na ang Pilipinas na dependent sa imported oil, kapag hindi kaagad naayos ang gusot sa pagitan ng Israel at HAMAS.

Hindi pa nga tayo nakakabangon pagkatapos ng dalawang taong pagkakalugmok ng ating ekonomiya dahil sa makapaminsalang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Hirap na hirap pa nga tayo dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng halos lahat ng bilihin sa bansa, lalo na ang bigas at iba pang essential commodities dahil naman sa smuggling at hoarding.

Matinding pagsubok ang dinadaanan natin.

Ang mahalaga ay nakikita natin na handang-handa naman ang gobyerno para tugunan ang ating mga pangangailangan.

***

Ibang-iba tayong mga Pilipino kung ang pag-uusapan ay tungkol sa eleksyon.

Sobra ang pagkalulong natin sa pulitika. Para tayong mga adik na kulang ang ating araw kapag hindi tayo nakarinig ng balita tungkol sa darating na BSK elections.

Sa totoo lang, wala ng ginawa ang taumbayan, lalo na sa mga liblib na pook, kundi mag-away dahil lamang sa politika.

Ang masakit, parang mga nag-aaway na aso at pusa ang mga magkakamag-anak at magkakaibigan sa pagtatanggol sa kani-kanilang mga kandidato.

Mabuti pa ang mga national leaders natin at pagkatapos ng “madugong” kampanya at eleksyon ay nagbabatian na naman sila at magkakaibigan ng muli.

Sa probinsiya, tuloy-tuloy ang iringan na parang wala silang pinagsamahan.

Tsk, tsk, tsk…..

(Para sa inyong komento at suhestiyon, magtext sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE