JM strikes again

June 17, 2021 Joey Aquino 482 views

PAHUSAY nang pahusay itong si JM De Guzman sa aktingan.

Kitang-kita ito sa kanyang pag-arte sa teleseryeng “Init sa Magdamag.” Bagay sa kanyang built ang karakter niya bilang isang pulitiko. But he has to watch for his weight, still. Lalo na hindi siya katangkaran kaya medyo palapad ang kanyang built na ten times magnified sa screen. He may not have the superstar status of a Coco Martin; but definitely, he’s an actor for all seasons.

Sa nasabing teleserye, nilalamon niya nang husto sa aktingan itong si Gerald Anderson. Sabi ng isa naming kasambahay na tutok sa teleserye, dinadaan na lang daw ni Gerald sa pagpapakita ng katawan. Di ba nga’t nag-trending noon ang eksena niya na naka-briefs kasama ang leading lady nila na si Yam Concepcion?

As for JM, the actor is consistent with all his acting portrayals both on TV and film. Isa siyang tunay na artist. Malalim, ‘ika nga. And most artists like him exorcise a lot of demons in them. Buti na lang itong si JM, napapagtagumpayan ang mga hamon sa kanyang buhay. Kamakailan lang ay inamin niya na muli na naman siya tinamaan ng matinding anxiety attacks. Buti na lang napagtagumpayan niya ito. His projects keep him going – and sane.

Career wise, maganda ang takbo nito. Mukhang love life na lang ang kulang. Ano bang katangian na hinahanap ni JM sa isang babae kaya hanggang ngayon wala pa siyang girlfriend? O baka naman mayroon na, hindi lang niya isinasa-publiko? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE