JM sinisisi ang sarili
Tila may pinagdadaanan ang aktor na si JM de Guzman dahil may bago siyang hugot sa social media.
Sa Threads account ay inamin ni JM na nahihirapan siyang ibalik ang respeto sa sarili. Pero kaya naman daw niya.
“respeto sa sarili.. mahirap ibalik. pero kaya,” aniya.
Sinisi rin niya ang sarili although wala na siyang ibinigay pang detalye.
“Ako kasi, eh,” sey pa ng aktor.
Sa comment section ay nagtataka rin ang followers niya kung ano ang nangyari.
“omygeee why pooo,” tanong ng isang netizen.
Pagkatapos nito ay nag-post na ulit ng bago ang aktor at mukhang masaya naman siya sa kanyang mga larawan.
Tiningnan namin ang previous posts niya at wala rin namang senyales na mayroon siyang dinaramdam o pinagdadaanan.
Makikita rin sa isa sa mga post niya today na naka-smile pa siya sa photo na may caption na “happy Sunday.”
Ang alam din namin ay masaya ang aktor sa kanyang love life ngayon dahil nga sa kanyang girlfriend na si Donnalyn Bartolome.