JM

JM, nanawagan on national TV na sagutin na siya ni Donnalyn

October 4, 2023 Vinia Vivar 137 views

Nanawagan na si JM de Guzman on air kay Donnalyn Bartolome na baka naman pwedeng sagutin na siya ng singer/vlogger.

Sa guesting ni JM sa “Magandang Buhay” ay tinanong siya ng host na si Regine Velasquez kung sinagot na ba siya ni Donnalyn.

“Hindi pa, eh,” nakangiting sagot ni JM.

“Tagal ko nang nanliligaw, baka naman…,” dagdag ni JM na tila nananawagan kay Donnalyn.

Sey ng isa rin sa hosts na si Melai Cantiveros, “Malay mo, baka dito sa ‘Magandang Buhay,’ nananawagan ka, sasagutin ka niya.”

Nagkatawanan at kinantiyawan na nga si JM na nananawagan na siya.

“Nawawala ba?” natatawang tanong ni Regine.

Matatandaang inamin ni JM sa isang interview last September na nanliligaw siya kay Donnalyn. Hindi sinabi ng aktor kung kailan niya sinimulang i-pursue ang dalaga pero since last year pa nga ay nali-link na sila sa isa’t isa.

In fact, nang magdiwang ng ika-34th kaarawan si JM noong September 2022 ay nag-organize pa si Donnalyn ng surprise birthday party para sa aktor.

AUTHOR PROFILE