
JK Labajo back on track
JK Labajo has arrived.
Proof? The success of his first major concert at the MOA Arena last November. Super happy ang kanyang producer na si Sylvia Sanchez sa resulta ng kanilang collaboration. In fact, JK is set to do his world tour this 2025. At si Sylvia ang may hawak sa rights for JK’s concerts.
Alam na alam mo ‘pag ang isang artista ay gumawa na ng malaking pangalan o malaki na ang hakot sa kaban ng isang kumpanya o producer. Magaling ang ABS-CBN sa pagkilatis kung sino ang moneymaker. Sa katunayan, binigyan na nang malaking exposure si JK sa ASAP last December 22. Na kung saan buong segment ang ibinigay sa The Voice Kids alum, parang mini concert complete with band. Tatlong songs ang kinanta niya.
Walang arte, very straightforward ang naging performance. Sobrang passionate. Maging ang kanyang mga kanta, very unconventional. JK is on his own, shattering the structured singing performances. In short, wala siyang pakialam. Obviously, his The Voice coach Bamboo is a big influence on him. Kaya ginagaya raw niya ito pag kumakanta.
Matatandaan na naging “prodigal son” siya ng Kapamilya network, dahil daw sa pagiging pasaway. Di ba’t nag-away pa sila ni Darren Espanto, na ka-batch niya sa The Voice Kids? At matagal din siyang hindi nagkaroon ng projects sa ABS-CBN. But as they say, true talent shines. Naging monster hit ang kanyang kantang ‘Buwan’. At mula noon, nagtuluy-tuloy na ang pag-angat ng kanyang bituin sa local showbiz. Hanggang sa makita natin siyang umaakting na sa seryeng ‘High Street’. Naging remarkable ang performance niya sa nasabing serye dahil sa mahusay nitong pagganap sa kanyang karakter.
No doubt, JK is a total package as he excels both in singing and acting. Now that he enjoys his stardom, will JK remain steadfast in his career? O baka naman muli siyang maging pasaway dahil sa kanyang kasikatan? Just asking…
Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]