JK, kinarir ang paghahanda sa 1st major solo concert
NAGHAHANDA na si Juan Karlos Labajo, a.k.a. juan karlos, para sa kanyang unang major concert na “juan karlos Live” sa SM Mall of Asia Arena sa Nobyembre 29.
Sa ilalim ng stage direction ni Paolo Valenciano kasama si Karel Honasan bilang musical director, ibinuhos ni JK ang puso’t kaluluwa sa paghahanda sa milestone na ito.
“Right now, I’m just trying to really enjoy the process, focusing on the flow of the whole show and focusing on the things I do have control over, like the setlist. Mas magiging nervous ako habang papalapit na ang concert,” aniya.
Dagdag ng singer-songwriter, “We’ll be performing songs that we haven’t performed before, and I’m also going to share the stage with the people I’ve released songs with.”
Ang line-up of guests ay binubuo nina Paolo Benjamin Guico (ng Ben&Ben), Zild Benitez, Janine Verdin, Moira dela Torre at Gloc-9.
Ang “juan karlos Live” ay produced ng Nathan Studios. Minamarkahan nito ang unang pagsabak ng studio sa live entertainment ngayong 2024.
Kilala ang Nathan Studios sa cutting-edge content gaya ng “Topakk” at mga series gaya ng “Cattleya Killer” at “The Bagman.”
Ang tickets sa “juan karlos Live” ay maaaring mabili sa halagang P750 (General Admission) at P8,500 (SVIP with exclusive perks, including a shirt, tote bag, photo opportunity and a signed poster).