Jinky

Jinkee buntis, hindi hiwalay kay Manny

February 1, 2023 Aster Amoyo 572 views

Jinky1Jinky2FAKE news ang kumakalat na balitang hiwalay na umano ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao at nasa proseso na umano ng annulment ang dalawa.

To the rescue sa mag-asawa ang isa sa kanilang close friends sa industriya, si Annabelle Rama.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, pinabulaananni Annabelle ang kumakalat na balita. Naaawa si Annabelle kay Jinkee na nagdadalang-tao umano ngayon.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Jinkee ay pang-anim na anak na ng mag-asawa at magiging bunsong kapatid nina Jimuel, Michael, Mary, Queenie at Israel.

Parehong God-centered ang mag-asawang Manny at Jinkee at hindi nila hahayaang masira ang kanilang pagsasama laluna ngayong wala na sa pulitika ang dating senador at boxing hero.

Alexa at KD umaalagwa na

AlexaAlexa1UNTI-UNTI nang umaalagwa ang tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad or KDLex na nabuo habang sana loob pa sila ng PBB house.

Nung isang taon ay dinirek sila ng box office director nasi Cathy Garcia-Molina sa KUMU serye na “Don’t Cry Janna”. Gumawa rin ang dalawa ng series for iWant TFC, ang “Run to Me”.

Pinaghahandaan din ng dalawa ng kanilang kauna-unahang musical play na “Walang Aray” na pamamahalaan ni Ian Segarra mula sa original music ni Vince Lim. Ito’y mapapanood sa PETA-Phinma Theater in New Manila, Quezon City simula ngayong February 17 hanggang May 4, 2023.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasabak ang dalawa sa isang musical play.

Ang “Walang Aray” ay adaptation mula sa classic sarsuela ni Severino Reyes, ang “Walang Sugat”.

Alexa will play the role of Julia, isang talented leading-lady habang si KD naman ay si Tenyo isang musical theater actor.

Samantala, namataan ang dalawa sa Hong Kong kasama ang box office director na si Cathy Garcia-Molina kamakailan lamang kaya marami agad ang nag-speculate na may ginagawang pelikula ang tatlo under Star Cinema lalupa’t ang nasabing kumpanya ang nag-upload ng picture ng tatlo.

Tiyak naming paghahandaan ng KDLex fans ang nalalapit na kaaraawan ng young singer-actress na si Alexa when she turns 23 on February 26. Si KD naman ay sa May 3 pa magtu-twenty one.

Ang ama ni Alexa na si Guy Ilacad ay naging kasamahan namin dati sa OctoArts. Guy is OctoArts’ big boss Orly Ilacad’s younger brother.

Pokwang ‘di na dapat pumatol sa bashers

PokwangPokwang1Pokwang2MARAMI ang nagsasabi na dapat daw ay hindi na pinapatulan ng singer, actress-comedienne at host na si Pokwang (52) ang kanyang bashers dahil napaka-suwerte na niya.

She is blessed with two beautiful daughters na sina Ria Mae at si Francine Malia at patuloy na maganda ang takbo ng kanyang career.

Nagkahiwalay man sila ng kanyang partner, ang American actor na si Lee O’Brian, isipin na lamang niya na nabiyayaan siya ng magandang anak.

Since nagging sila ni Lee, alam naman ng marami na walang trabaho ang (dating) partner who is said to be dating another woman. But life goes on with Pokwang who needs to work harder for her family and two daughters.

Rhen natuwa nang hindi paghubarin sa ‘Spellbound’

RhenRhen1HINDI ikinakaila ng mahusay na Viva actress na si Rhen Escano na natutuwa siya kapag walang sexy scenes ang mga proyektong kanyang ginagawa.

“Gusto kong makilala ako ng publiko bilang isang mahusay na actress at hindi bilang sexy star,” ani Rhen.

“Wala naming problema ang pagiging isang sexy star pero mas gusto ko talagang tawagin akong isang actress,” aniya.

“Marami tayong mga sexy star noon na kilala ngayon bilang mahuhusay na actress,” dugtong pa niya.

Sa pelikulang “Spellbound” na pinagbibidahan nina Bela Padilla at Marco Gumabao sa direksyon ni Jalz Zarate under Spring Films at Viva Films, gumaganap na best friend si Rhen bilang si Clara na nasawi sa isang vehicular accident. Dahil sa `unfinished business’ ng magkaibigan, mimultoni Clara ang kanyang best friend na si Yuri (Bela).

“Masarap katrabaho sina Bela at Marco,” pahayag ni Rhen.

“Sana magkatrabaho kaming muli,” asam pa ng dating mainstay ng “Walang Tulugan with the Master Showman” ng yumaong star-builder na si Kuya Germs (German Moreno) on GMA.

“Sana makagawa pa ako ng mga pelikulang katulad ng ‘Spellbound’ na hindi ko kailangang magpa-sexy,” aniya.

Janella handang maging kontrabida uli

JanellaJanella1Janella2IT was in September 2022 nang aminin ng Filpino-British singer-actor na si Markus Paterson na hiwalay na sila ng kanyang (ex) girlfriend na si Janella Salvador pero they are co-parenting their two-year-old son na si Jude Trevor.

The young singer-actress revealed na bukas umano siya na umibig muli sakaling may dumating sa kanyangbuhay. But for now, mas gusto umano niyang mag-focus muna sa kanyang binalikang karera maging sa kanyang two-year-old son.

Main villain si Janella sa magtatapos na “Mars Ravelo’s Darna” TV series napinagbibidahan ni Jane de Leon at okey lang umano sa kanya na maging kontrabida siya sa ibang stars pero gusto na markado rin tulad ng kanyang role bilang si Valentina, ang mortal na kaaway ni Darna at best friend bilang si Narda.

Mabuti na lamang at hindi matatakutin sa ahas si Janella kay naitawid niya ang kanyang role as Valentina nang maayos although mahirap dahil sa prosthetics.

Samantala, ngayong magtatapos na ang “Mars Ravelo’s Darna” sa February 10, haharapin naman ng singer-actress ang kanyang nalalapit na concert.

Janella is turning 25 on March 30.

Jane ano na pagkatapos ng ‘Darna’?

JaneHINDI ikinakaila ng 24-year-old ng singer, dancer at actress na si Jane de Leon (24) na biggest break umano sa kanya ang “Mars Ravelo’s Darna” na sa kanyang lap napunta matapos unang i-consider si Angel Locsin na sinundan ni Liza Soberano para sa role.

Kaya sobra-sobra ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng ABS-CBN for considering her for the role.

Hindi pa ibinabahagi ni Jane ang kanyang next project pagkatapos ng “Darna”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me os Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE