Estrada

Jinggoy, may basbas ni Erap ang pagtakbo

October 4, 2021 Ian F. Fariñas 586 views

PINILI si dating Senador Jinggoy Estrada ang araw ng Linggo, October 4, para maghain ng COC sa pagka-senador sa 2022 elections.

Kasama niyang nagtungo sa tanggapan ng Comelec ang misis na si Precy at ang kanilang mga anak.

Bago ’yon, nag-courtesy visit muna si Jinggoy sa amang si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at inang si dating Senadora Loi Ejercito sa kanilang Greenhills abode.

Ani Jinggoy, importanteng makuha niya ang basbas ng pamilya bago mag-file ng kandidatura.

“Importante po ang suporta ng aking pamilya sa aking desisyon na ipagpatuloy ang serbisyo publiko,” dagdag niya.

Pinasalamatan din ni Jinggoy ang mga tagasuporta para sa patuloy na pagpapakita ng mga ito ng pagmamahal.

Sa muling pagsabak sa mundo ng pulitika, ang tagline ng aktor-politiko ay “Aaksyon para sa masa.”

Nais daw ni Jinggoy na makatulong sa pag-address sa mga problema at pagsubok na hatid sa Pinoy ng “new normal” sa pamamagitan ng pagsulong at pagbibigay pokus sa food security, job generation, mas matatag na health system na may equitable access, youth empowerment, modernized agricultural sector, mas matatag na digital economy, sustainable environmental protection at adaptable o accessible quality education.

Matatandaan na bago pa man naging senador nu’ng 2004, eh, nagsilbi muna si Jinggoy bilang vice mayor at mayor ng San Juan City.

Tatlong termino pinamunuan ng “Anak ng Masa” ang siyudad at dahil sa progreso na kanyang naiambag, tinanghal siyang National President ng League of Municipalities of the Philippines mula 1998-2001.

Bilang senador, nagsilbi si Jinggoy bilang Senate President Pro Tempore at chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources at Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, pati membership sa iba’t ibang committee, kabilang ang Commission on Appointments.

Sa loob ng dalawang termino, naging principal author siya ng mahigit 600 bills. Pinakasikat dito ang Republic Act 10361 o ang “Kasambahay Law,” na nangangalaga sa interes at kapakanan ng domestic workers.

Bukod dito, siya rin ang nag-sponsor at sumuporta para maging batas ang PESO Law o RA 10691, SPES law o RA 10917, strengthening of NLRC o RA 10741, lifting ng night work prohibition para sa mga kababaihan o RA 10151, among others.

Naging aktibo rin si Jinggoy sa pagpa-fine-tune ng iba pang mahahalagang measures tulad ng AMLA Law, Amendments to the National Internal Revenue Code on E-VAT and the Excise Tax, National Budget, Synchronized Barangay and SK Elections, Ratification of the International Labour Organization Convention on Forced Labor.

Sa dami ng na-accomplish na niyang ito, feeling ni Jinggoy, hindi pa tapos ang trabaho niya sa paglilingkod sa mga kababayan.

Ang panawagan nga sa Facebook page ng dating senador, tama na ang mga paandar at huwag na ring magtanim ng sama ng loob, “Itanim na lamang natin ang magiging biyaya sa kinabukasan ng ating mga ka-masa.”

AUTHOR PROFILE