Jinggoy

Jinggoy isusulong ‘Otso Otso’ plan ng TUCP pagbalik sa Senado

March 4, 2022 People's Tonight 285 views

BILANG pasasalamat sa suporta ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa kanyang pagbabalik-Senado, nangako si Team Unity senatorial bet Jinggoy Estrada na kanyang isusulong ang mga panukalang papabor aa mangagagawa.

Ayon kay Estrada, una sa listahan ng mga panukalang batas na kanyang ihahain sa Senado ang walong puntong agenda ng TUCP na tutulong sa mga manggawa sa pampubliko at pribadong sektor.

Pinuri ni Estrada ang “Otso Otso Legislative Agenda” ng TUCP na naglalaman ng walong panukalang nais isabatas ng grupo ng mga manggagawa. “Sakaling palarin akong makabalik bilang chairman ng Committee on Labor, sisiguruhin ko na ang walong panukalang ito ay maisasama sa legislative priorities ng nasabing komite,” aniya.

Bukod sa TUCP, nagpadalamat din si Jinggoy sa matinding suporta mula sa sektor ng manggagawa at ng kanilang mga pamilya. Bilang dating chairman ng labor committee sa loob ng kanyang 12 taong panunungkulan bilang senador, ipinagkaban ni Estrada ang mga panukalang maka-manggagawa.

Kabilang sa “Otso-Otso” agenda ng TUCP ang mga sumusunod: security of tenure law upang maging regular ang mga manggagawa; Public Service Labor Relations bill na kikilala sa karapatan ng mga manggagawa na mag organisa; proteksyon ng mga manggagawa laban sa sexual harassment; regularisasyon ng mga manggagawa sa gobyerno kahit hindi kumuha o pumasa sa Civil Service Examination; Magna Carta of Seafarers; pangangalaga ng nga manggagawa sa industriya ng pangisdaan; pagpapalakas ng karapatan ng mga manggagawa para sa collective bargaining; at Magna Carta para sa mga manggagawa sa informal economy ng bansa.

AUTHOR PROFILE