Jessy

Jessy, pumalag sa netizen! ‘Asawa ko nga hindi na-offend eh ikaw pa kaya?’

December 5, 2023 Vinia Vivar 193 views

Inalmahan ni Jessy Mendiola ang komento ng isang basher tungkol sa kanyang birthday photoshoot.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng komento ng netizen na nasagwaan sa kanyang sexy photo shoot para sa kanyang 31st birthday.

“Di na bagay sayo ganyan, may Peanut ka na… masagwa tignan,” komento ng netizen.

Hindi ito pinalampas ni Jessy at sinagot niya ang komento.

“So kapag may anak bawal na maging comfortable sa sariling katawan? Stop mom/parent shaming. It’s because of people like you kaya nahihiya mga ibang nanay maging comfortable at confident sa sarili nila. Just live and let live. Hindi ka naman inaagrabyado,” sagot ni Jessy.

Itinuloy ng aktres ang pagra-rant sa kanyang IGS.

Aniya, “Just wanted to share this. Sana matigil na ang ganitong thinking dito satin.”

Sey pa ng misis ni Luis Manzano, “Asawa ko nga hindi na-offend eh ikaw pa kaya?”

Nagbigay din ng mensahe si Jessy sa mga kapwa-nanay tungkol sa pagmamahal sa sariling katawan.

“Us moms are allowed to be confident and happy in our own skin. Let us be. We can be comfortable with ourselves and be a mom, too. Isa lang sa roles namin ang pagiging nanay. Sana mas dun tayo sa wag kalimutan din ang sarili natin kahit nanay na,” she wrote.

AUTHOR PROFILE