Jessy pinainit ang sahig
PINUSUAN at inulan ng fire emojis ang bagong mga larawan ng celebrity mom na si Jessy Mendiola.
Sa kanyang Instagram page nitong Miyerkules, Disyembre 27, ibinahagi ng aktres ang kanyang mga larawan kung saan todo awra siya habang ibinabandera ang kanyang sexy body.
Makikitang nakasalampak sa sahig ng studio si Jessy suot-suot ang bra na itim at itim ding pantalon.
Nag-iwan lamang ang aktres ng isang heart emoji para sa caption ng kanyang post.
Hindi naman napigilan ng netizens na magbigay reaksyon sa hotness ni Jessy. Maging ang ilang celebrities ay humanga sa katawan ng aktres.
“Goals,” sey ng aktres na si Alexa Ilacad.
“So beautiful!” komento pa ng aktres na si Max Collins.
Pinalakpakan naman ni Alex Gonzaga ang mga larawan ni Jessy.
Maging ang asawa niya na si Luis Manzano ay nagkomento sa sexy body niya.
Narito naman ang ilan pang reaksyon ng netizens:
“Ayyyyy palaban sa bagong taon naman!”
“Higa higa lang ganunnn.”
“Sis mag babagong taon na, di na kami makakahabol haha.”
“FIREEEE.”
“Mommy Jessy in her balik alindog era.”
“Haysss! Iba ka talaga!”