Jessy

Jessy, na-insecure sa paglobo ng katawan

December 2, 2022 Vinia Vivar 173 views

Inamin ni Jessy Mendiola na nakaramdam din siya ng insecurity habang ipinagbubuntis niya ang panganay nila nila ni Luis Manzano.

Ayon sa aktres, during the first few months of her pregnancy ay may times na nadi-depress at nalulungkot siya kapag nakikita ang sarili sa salamin.

“As in dati, may abs ako tapos naka-swimsuit pa ako lagi. May mga bikini picture pa ako,” sey ni Jessy.

Dagdag niya, “I really get insecure. People are saying kapag buntis ka, dapat lagi kang masaya. Pero honestly, mahirap sa akin tanggapin na talagang lalaki ako or magbabago ‘yung itsura ko.”

Pero habang lumalaki ang kanyang tiyan ay unti-unti na rin niyang natanggap ang mga pagababago sa kanyang katawan.

“Hindi madali sa simula na tanggapin na magbabago ‘yung katawan mo. Mas lalo na kung you were active before the pregnancy.

“As months go by, kapag nakikita mong lumalaki ‘yung tiyan mo, doon mo maiisip na it’s all worth it kasi you are carrying a human inside of you,” she said.

Of course, napalaking blessing ang mabuntis pero matindi rin daw ang kalakip nitong sakripisyo in terms of body changes.

Pero worth it naman daw lahat ng mga paghihirap.

“I’ve accepted that my body will change regardless of how much I try to live in the past. To all the expectant moms out there like me, remember… you have a growing HUMAN inside of you. It’s not easy, but it’s WORTH IT,” sey ng misis ni Luis.

AUTHOR PROFILE