
Jessy iniyakan ang pagkandidato ni Luis
Walang balak tumigil sa showbiz si Jessy Mendiola kahit pa manalo sa darating na May elections ang mister niyang si Luis Mazano na tumatakbong vice governor ng Batangas.
Sa recent interview sa aktres ng ABS-CBN, sinabi niya na inaayos na ang reunion series nila ni Gerald Anderson, na nakasama niya noon sa “Budoy.”
Bukod dito ay may iba pa siyang shows na gagawin.
“Tuloy-tuloy pa rin ako. Actually kaka-meeting ko lang with Star Magic the other night. Meron pang inaayos na soap namin ni Gerald (Anderson), but before I do that soap with him, meron akong mga ibang show na papasukan. So, abangan niyo na lang kung anong show ‘yun. As of now, for this year, baka dalawa (na show). ‘Yung sa amin ni Gerald inaayos pa ’yung story,” sey ni Jessy.
Bukod sa kanyang showbiz career, siyempre, hindi pwedeng pabayaan ng aktres ang pagsuporta niya sa kandidatura ni Luis.
“Mga one million percent supportive ako,” aniya. “We are very excited. And all at the same time, we are very nervous. Of course, bagong mundo ito para sa amin ni Luis and I know how hard it is.”
Nai-share rin ng aktres na nagkaiyakan pa sila ni Luis bago ito mag-file ng candidacy last October, 2024.
“Before talaga siya nag-file ng candidacy, nagkaiyakan pa talaga kami. Kasi sabi ko, ‘Sure ka na ba talaga na gusto mo?’ And ako rin, I was a bit hesitant kasi I knew na ibang mundo ito, eh.
“Kahit mga artista kami, siyempre it’s a different level of responsibility and ibang level na rin ito sa ating buhay. I told him, ‘I just want you know that whatever you decide, I’ll be here 100% to support you.’ So ’yun ‘yung nangyari,’” kwento ni Jessy.