
Jessy, aarangkada muli sa pag-arte
Inanunsyo ni Jessy Mendiola na magbabalik na rin siya sa pag-arte next year.
As we all know ay medyo matagal-tagal na ring in hiatus ang aktres na nagsimula nang ikasal siya kay Luis Manzano hanggang sa naging preggy na nga siya at nagkaanak.
Sa panayam sa ABS-CBN, inamin ng aktres na since last year pa ay may mga offer na sa kanya for a TV series or movie pero tinatanggihan niya.
Ngayon, mukhang ready na siya at pinaplano na niyang bumalik next year.
“’Yun nga, pinaplano ko na next year, babalik na ako. Pinapalaki ko lang ‘yuhg anak ko, guys,” sey niya.
“Naku kinakakaban na nga ako kasi baka nakalimutan na ako ng showbiz, eh. Pero I’m very grateful kasi bawat post ko, bawat post ko sa sarili ko, sa family ko, kay Rosie, kay Luis, talagang ‘yung mga tao, ‘yung mga nagsu-support talaga sa akin, nandu’n pa rin hanggang ngayon and they grow everyday,” aniya.
Tila nawili na nga si Jessy sa kanilang anak na si Baby Peanut kaya naman talagang isinantabi muna niya ang showbiz.
Gusto niya kasi na habang lumalaki si Rosie, especially sa first year nito, eh, talagang nandu’n siya at makikita niya mismo ang mga milestone ng anak.