
Jessica, nakasama ang K-drama stars
Lumipad ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa South Korea para um-attend sa Asia Contents Awards and Global OTT Awards sa Busan nitong Linggo at doon ay na-meet ng host na si Jessica Soho ang ilan sa mga sikat ngayong K-drama star.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay nominado sa Best Reality and Variety category para sa Sugat ng Pangungulila.
Ito ang nag-iisang Filipino program na nominated sa nasabing category at lumaban sa six entries mula Korea at Vietnam.
Dito nakilala ni Jessica sina Lim Ji Yeon, na nagwaging Best Supporting Actress sa Netflix series na The Glory, pati na sina Moving stars Ryu Seung Ryong at Lee Jung Ha, na nagwaging Best Lead Actor at Best Newcomer Actor.
May picture rin sa red carpet si Jessica kasama ang Best Lead Actress Karishma Tanna mula sa series na Scoop at ang kapwa Pinoy na si Arjo Atayde na nominated naman as Best Lead Actor.
Sa dami na ng award na napanalunan ng KMJS at ni Jessica sa iba’t ibang bansa, patuloy pa rin ang blessings na natatanggap ng show at ng batikang Kapuso broadcast journalist.