Jeric 18 ang anak sa iba’t ibang babae
BIHIRA sa mga nagsisimula sa showbiz na lead role kaagad ang ipinagkakatiwala ng producer. Pero ito ang sa nangyari sa dating action star na si Jeric Raval na agad nagbida sa kanyang first movie sa bakuran ng OctoArts Films sa pamamagitan ng pelikuang “Primitivo `Ebok’ Ala: Kalabang Mortal ni Baby Ama” na pinamahalaan ng action director na si Junn P. Cabreira na ipinalabas in 1992. Ito bale ang kanyang launching movie na agad pumatok sa takilya. At that time ay superstar na si Robin Padilla ng Viva Films.
Sa loob ng isang taon ay tatlong hit movies kaagad ang ginawa ni Jeric. Pagkatapos ng kanyang launching movie ay agad isinunod ang “Valentin Zapanta: Alyas Ninong” na pinagbidahan ni Eddie Garcia” at kasunod dito ang “Estribo Gang: The Jinggoy Sese Story” kung saan niya nakasama ang yumaong King of Rap na si Francis Magalona, Anjo Yllana at Mikee Villanueva.
Si Jeric ay nakita lamang ng OctoArts Films sa dating Bongga tabloid kung saan ang veteran writer-director na si Arman Reyes pa ang entertainment editor.
Agad pinapunta si Jeric ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad at kasamang dumating ni Jeric ang yumaong action director na si Willy Milan (who discovered Jeric), ang dating tumayong manager ni Jeric na si Lito and Arman Reyes. That meeting resulted in Jeric’s signing up an exclusive build-up contract with OctoArts Films which built him up as an action star.
Sa bakuran din OctoArts nabuo ang team-up nila ni Monica Herrera na nauwi sa kanilang pag-iibigan at pagkakaroon ng tatlong anak.
Nang lumagda ng kontrata si Jeric, he was already 27 years old at meron nang asawa na si Holiday at meron nang mga anak. Since nagsisimula at baguhan pa lamang si Jeric (Ricardo Buensuceso in real life) noon, he was made to appear na binata at 20 years old and it worked for him.
Nang sumikat si Jeric bilang action star, naging lapitin ito ng mga babae at umabot sa 18 ang kanyang anak sa iba’t ibang babae bukod pa sa kanyang wife na si Holiday or Dayday. Sa kabila ng pagiging chickboy ni Jeric, nanatiling loving and supportive ang kanyang misis kaya hanggang ngayon ay silang dalawa pa rin ang nagsasama kahit alam nito ang `extra curricular’ activities ng kanyang mister.
“Siya ang `trophy wife’ ko,” pag-amin ni Jeric.
Kahit ang dating sexy actress na si Alyssa Alvarez ang biological mother ng Viva sexy star na si AJ Raval, sa wife ni Jeric na si Dayday ito lumaki.
“Close at mga kaibigan ko ang mga ina ng mga anak ko,” pag-amin pa niya.
“At magkaka-close din ang 18 kong anak including yung isang anak ko na nasa Japan at isa pang anak in New York (USA),” aniya.
Ayon sa dating action star, dumami ang anak niya sa pagnanasang magkaroon ng anak na lalake. Hindi umano siya huminto hangga’t hindi siya nagkakaroon ng anak na lalake. He has 12 girls and 6 boys.
“Ang mga anak kong lalake ang madalas kong kasama,” dugtong pa niya.
Kung 18 ang kanyang mga anak na ang ilan sa mga ito ay may mga asawa na rin, meron na rin siyang 11 apo.
Paano nama-manage ni Jeric ang pagkakaroon ng maraming anak at mga apo sa kabila ng kanyang pagiging abala bilang actor?
“Time management lang,” natatawa niyang tugon.
Nang bumagsak ang movie industry nung 1997, nawala rin ang mga action movies. There were offers pero hindi umano niya tinatanggap dahil pawang mga romantic movies umano and others were father roles. Nang ma-realize niya na wala na halos kumukuha sa kanya, doon lamang niya napagtanto na matagal na siyang jobless at marami siyang opportunities na pinalampas kaya bumalik siya.
“Sa awa naman ng Diyos ay tuloy-tuloy naman ang dating ng trabaho, except nung pandemic,” aniya.
Samantala, inamin din ni Jeric na hindi umano niya alam ang pagpasok ni AJ Raval sa bakuran ng Viva at pagpapa-seksi nito.
“Sumubok kasing mag-audition noon si AJ sa TV5 pero na-reject siya kaya parang ayaw na nitong mag-artista,” kuwento pa ni Jeric.
“Nagulat na lang ako nung nasa Viva na siya at nagpa-sexy. I even discouraged her na gawin ito, pero nang sumikat, wala na akong nagawa kundi ang suportahan na lamang siya,” patuloy pa niya.
AJ is now in a relationship with actor Aljur Abrenica, ex-husband ng Kapuso actress na si Kylie Padilla, anak ng action star at senador na si Robin Padilla.
Jeric plays the title role ng isang biopic, ang “Mamay” na kuwento ng inspiring success story ng mayor ng Nunungan, Lanao del Norte na si Mayor Marcos Mamay with Ara Mina playing the role of Mayor Mamay’s wife. Ito’y pinamahalaan ni Neal `Buboy’ Tan under Mamay Film Productions.
“Seventy per cent of the film was shot in Nunungan at nag-shoot din kami sa Dubai,” ani Mayor Mamay who also acted as assistant director dahil marami umano ang mga restrictions ng kulturang Muslim.
Wattpad series hit sa manonood
HIT ang wattpad university series ng 23-year-old Ateneo graduate na si Gwy Saludes na kanyang sinimulan sa “The Rain in Espana” which was made into a ten-episode TV series na pinagbidahan ng loveteam at magkasintahan na rin ngayong sina Heaven Peralejo at Marco Gallo na pinamahalaan ni Theodore Boborol. Ang nasabing serye ang nag-launch sa tambalan nina Heaven at Marco na siya ngayong hottest loveteam sa bakuran ng Viva.
Next na ni-launch ng Viva bilang loveteam ay sina Jerome Ponce at Krissha Viaje sa “Safe Skies, Archer” at kasunod dito ang “Chasing In the Wild” nina Gab Lagman playing the role of Sevi at si Hyacinth Callado as Elyse na pinamamahalaan naman ni Thop Nazareno.
In the two mini TV series ay kasama sina Heaven at Marco playing support sa dalawang bagong loveteam ng Viva which they don’t mind dahil sinuportahan din naman daw sila ng mga ito nang sila’y i-launch sa seryeng “The Rain in Espana”.
Ang tatlong nasabing serye ay produced ng Studio Viva for Viva One.
Dalawang inirereklamo ni Sandro ipatatawag ng NBI
IPATATAWAG umano ng National Bureau of Investigation (NBI) sa araw na ito ng Martes, August 6 ang dalawang inireklamong `independent contractors’ head writers ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz na may kinalaman sa reklamong inihain laban sa dalawa ng Sparkle young actor na si Sandro Muhlach, panganay na anak ng actor at dating `child wonder’ na si Nino Muhlach. At paglatapos nito ay saka lamang pormal na magpa-file ng kaso si Sandro kasama ang kanyang lawyer na si Atty. Czarina Quintanilla-Raz ng Puno and Puno Law Offices.
Bukod sa NBI at sa sariling imbestigasyon ng GMA, kasunod na rito ang Senate inquiry na pamumunuan mismo ni Sen. Robin Padilla.
Boss Vic sobrang nalungkot sa sunud-sunod na pagpanaw sa showbiz
SOBRANG nalungkot ang Viva big boss na si Boss Vic del Rosario sa magkasunod na pagpanaw ng mag-asawang Father Remy Monteverde at Mother Lily Monteverde na anim na araw lamang ang pagitan. Sumakabilang-buhay si Father Remy nung July 29, 2024 at sumunod naman ang Regal matriarch na si Mother Lily nung Sunday early morning ng August 4, 2024. Pumanaw na rin ang veteran singer at dating Vicor recording artist na si Carmen Patena last July 31 maging ang president ng PARI (Philippine Association of the Recording Industry) na si Danny Olivares nung July 25 at ito’y nangyari sa loob ng isang linggo lamang.
Nagluluksa ngayon ang buong industriya sa magkakasunod na pagpanaw.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermaoyo and X@aster_amoyo.