Jerald

Jerald at Kim bet i-push ang 2025 wedding

January 15, 2025 Ian F. Fariñas 73 views

WISH ni Jerald Napoles na ma-push ang kasal nila ng fiancee na si Kim Molina sa huling quarter ng 2025. ’Yan daw ang goal nila sa ngayon, dagdag pa ng aktor sa mediacon ng bago niyang movie, ang “Sampung Utos kay Josh,” mula sa Viva Films.

Matatandaang na-engage ang dalawa noong August, 2024 matapos ang sampung taon ng pagiging live-in partners.

Dahil malaki ang gagastusin sa kasal, hanggang ngayon ay nag-iipon pa raw sila ni Kim para siguruhin na magiging masaya ang okasyon, ’di lang para sa kanila, kundi para sa mga bisita.

“Sana dumami pa (ang projects namin), kasi siyempre, malaki ang gastos ng kasal saka iba pang personal na gastusin, eh. Pero ‘yun, tama po, ’yung lahat ng effort namin, especially for this year, ay papunta doon sa savings para sa kasal.

“Pero ‘yun pong sa tanong na kung ngayong taon, sana, sana ma-push kahit sa last quarter. ’Yun ’yung goal. Pero tingnan natin,” ani Jerald.

Hindi naman daw sa binibitin nila ang lahat. Meron umano silang kausap na wedding and events organizer na nagpapayo sa kanila kung kailan ang magandang date para sa kasal.

“Ikukumpara sa ibang nahawakan nilang kasal, especailly sa celebrities, so ‘yun. Naka-base kami du’n. Pero kami ni Kim, ano naman, eh, nakabangko kami du’n sa idea na basta masaya, dapat masaya pati ’yung mga taong kasama namin,” paliwanag pa ng aktor.

Siyempre, nagpapasalamat sila ni Kim sa mother studio nila, ang Viva, sa pagbibigay-tiwala kahit marami nang bagong artists ang kumpanya.

Sey ni Jerald, “Among other artists, may mga bago rin kasing artists ’yung Viva na bini-build, so parang nandu’n pa kami sa roster ng ipo-produce, isang malaking biyaya ‘yun sa amin.”

Opening salvo nga ng Viva para sa 2025 ang pelikula niyang “Sampung Utos kay Josh,” kung saan kasa-kasama niya sina Pepe Herrera, James Caraan, atbp. sa ilalim ng direksyon ni Marius Talampas.

Mas excited kesa pressured ang feeling ni Jerald sa pelikula.

Katwiran niya, “Isa lang ang masasabi ko dito sa pelikulang ito, maganda ‘yung tema, sobrang ganda ‘yung tema, ‘yung plot. It’s worth it na ma-produce at worth it na mapanood. ‘Yung tatak ng comedy nito, parang ‘Pangarap Kong Holdap,’ eh. ‘Yung matatandaan mo. Hindi siya ‘yung formula, eh. Of course, umiiwas tayo sa formula, hindi naman umiiwas, pero nag-o-offer tayo ng bago, eh. Lalo si direk, nag-o-offer ng bago saka ‘yung materyal nito, ano talaga ‘to, pinagtuunan ng pansin nu’ng the late Sherwin (Buenvenida), ‘yung nagsulat na kaibigan namin.

So, ito ‘yung huli niyang nasulat before he passed away (dahil sa cancer). Ito ‘yung last. Nu’ng nabasa namin ‘yung scsript, napamura ka’gad kami, another ‘Pangarap Kong Holdap.’”

Anyway, ang naturang dramedy ay mapapanood na sa mga sinehan simula January 29.

AUTHOR PROFILE