
Jennylyn pipirma na muli sa GMA
DIRETSAHAN na ang GMA sa latest post sa social media accounts sa pagpirmang muli bilang Kapuso contract star ni Jennylyn Mercado ngayong Martes, January 21.
Sa naunang posts, giveaway naman ang tungkol sa Ultimate Star na pipirmang muli bilang Kapuso.
Maraming beses nang nabalita na lilipat na ng network si Jen. Pero pinabulaanan ito ng management niya.
Bukas, pormal nang pipirma ng panibagong kontrata si Jennylyn na homegrown artist ng Kapuso bilang unang Ultimate Female Survivor ng “StarStruck.”
Juice ko, malambot na kama na nga ang higaan ni Jennylyn, lilpat pa ba siya sa matigas na sahig?
Dalawa na ang anak niya, huh!
KAPUSO STARS DUMAYO SA CEBU
NAGBIGAY-ALIW ang stars ng upcoming GMA series sa Sinulog Festival sa Cebu last weekend.
Dinarayo ang event na ito sa Cebu kaya malaking promo ito para sa lalabas na series ng Kapuso Network.
Present si Ruru Madrid at ang iba pang cast ng “Lolong” gayundin sina Herlene Budol at Tony Labrusca ng “Binibining Marikit.”
Viva Pit Senior!
Pero talbog ang bagong shows ng GMA sa “Lolong” dahil naglabasan ang mga buwaya dahil sa “Lolong” pati na sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,” huh!
Anyway, happy, happy birthday to my grandson, Francis Joshua Nardo Punzalan na birthday today, January 21, and to my editor, Ian F.! (Thank you, misis! — IFF)