Jenmer

Jennylyn, nasa maayos na kondisyon — manager

October 2, 2021 Vinia Vivar 275 views

Naglabas na ng official statement ang long-time manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila hinggil sa pinag-uusapang health condition ng Kapuso Ultimate Star.

Sa kanyang Facebook account kahapon ay ipinahayag ni Tita Becky na nasa maayos na kondisyon ang alaga.

“First of all, we would like to express our gratitude to everyone who showed their concern over our artist, Jennylyn Mercado. We would like to assure the public that she is in good condition and in good health.

“On behalf of Jennylyn, we would like to thank GMA Management, her Love Die Repeat co-stars as well as the whole production group for their understanding and support. Thank you,” ang kabuuan ng statement.

Ilang araw na ngang usap-usapan ang tungkol sa health condition ni Jen na nagsimula nang mapabalitang na-pack-up ang taping ng Love, Die, Repeat, ang bago niyang serye sa GMA-7 with Xian Lim.

Reports had it na nagkaroon ng medical emergency si Jen habang nasa lock-in taping ng serye na kinailangan pa umanong sunduin ng ambulansya.

Nagsimula na ring maglabasan ang mga sitsit na buntis siya na noong una ay blind items pa hanggang sa napangalanan na siya.

Ang iba ngang netizens ay kino-congratulate na siya na parang sure na sure na sila na preggy si Jen sa first baby nila ng boyfriend na si Dennis Trillo.

In fairness, hindi pa man nga, eh, ang init naman ng pagtanggap ng mga tao sa balitang preggy si Jen at happy sila for her and Dennis.

Wala pang confirmation mula sa kampo niya kaya huwag muna tayong mag-jump into conclusion but kung totoo man, we’re happy for both of them.

Sabi nga, a baby is always a blessing. And it’s about time na rin naman na sundan nila ang kani-kanilang mga panganay na anak na sina Jazz at Calix.

PANALO SA SUBSCRIBERS

Bagama’t komedyanteng naturingan, pagdating sa usapin tungkol sa bansa ay seryoso naman si Ogie Diaz.

Madalas mag-viral ang kanyang mga opinyon at matatapang na pahayag hinggil sa mga national issues at sa mga politiko.

Kamakailan sa kanyang vlog ay natalakay ni Ogie ang pagdepensa ni Iwa Moto sa biyenan nitong si Sen. Ping Lacson na tatakbong presidente sa 2022 elections katambal si Senate President Tito Sotto.

Ayon kay Ogie, natural lang na ipagtanggol ni Iwa si Ping dahil biyenan at kilala niya ito. At nang basahin ni Ogie ang sinabi ni Iwa na hindi magnanakaw ang senador, umayon siya.

Sabi ni Ogie sa kasama niya sa vlog, “Totoo ‘to, hindi siya (Ping) magnanakaw. Kasi alam mo bang hindi tumatanggap si Senador Ping ng pork barrel bilang senador? Magkano rin ‘yon, mga P200 million isang taon.”

Dagdag pa ni Ogie, “Kahit naman ako, gusto ko rin ’yung integridad ni Senator Ping. Kaya nga naloloka ako kung bakit ‘di niya tinatanggap yung pork barrel.”

Ang pork barrel o priority assitance development fund ay pondo para sa mga kongresista at senador. Pero sapul nang maging mambabatas, hindi tinanggap ni Ping ang kaniyang pork barrel funds dahil pinag-uugatan ito ng katiwalian.

Anyway, panalo si Ogie sa rami ng subscribers sa dalawang YouTube channels niya maliban pa sa kanyang social media accounts partikular na sa Twitter at Facebook kung saan ay mas vocal siya sa paghahayag ng kanyang political views.

AUTHOR PROFILE