
Jennylyn, Dennis at Sam sinorpresa ang fans sa Gateway
NATUWA ang ilang moviegoers sa Gateway Mall sa Quezon City nang makita nila ang mga sikat na artistang sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Sam Milby sa nasabing mall kamakailan.
Nagkaroon ng surprise ticket selling ang ‘Everything About My Wife’ stars doon para i-promote ang kanilang rom-com film, na mapapanood na simula February 26 sa mga sinehan.
Nagkaroon ng oportunidad na makapagpakuha ng litrato ang fans sa mga bigating artista, kasama ang TikTok star na si Joyang na parte rin ng cast ng ‘Everything About My Wife.’
Ang ‘Everything About My Wife’ ang pagbabalik-rom-com ni Jennylyn na kinikilala bilang “Queen of Romantic Comedy Movies.” Philippine adaptation ito ng Argentinian movie na Un novio para mi mujer (A Boyfriend for My Wife) na ni-remake din sa ibang bansa.
Unang rom-com film ito nina Jennylyn at Dennis bilang mag-asawa. Samantala, reunion project naman ito para kina Jennylyn at Sam, na dati nang nagtambal sa pelikula.
Mula sa direksyon ni Real Florido at sa panulat ni Rona Co, ang ‘Everything About My Wife’ ay collaboration ng CreaZion Studios at GMA Pictures, kasama ang Glimmer Studio.
Pagpasok ni Gabbi bilang PBB host, umani ng iba’t ibang reaksyon
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang big revelation kamakailan lang tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa musical variety show na All-Out Sundays,ipinakilala na ang Kapuso na sinasabing mapapanood bilang isa sa hosts ng bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Napa-react ang maraming netizens at viewers nung malaman nilang si Gabbi Garcia pala ang tinutukoy ni Big Brother.
Mababasa online ang iba’t ibang reaksyon nila tungkol dito at karamihan sa kanila ay masayang-masaya para sa bagong proyekto ng Kapuso star.
Ano pa kaya ang sorpresang handog ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition para sa mga Kapuso at mga Kapamilya?
Patuloy na tumutok at abangan ang iba pang detalye tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMANetwork.com at iba pang social media platform ng GMA at ABS-CBN.
Ashley inamin ang relasyon kay Mavy
SA episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Lunes, inamin ni Ashley Ortega na may relasyon sila ni Mavy Legaspi.
“I think it’s obvious naman na. Yes,” sagot ni Ashley nang tanungin ni Tito Boy kung sila na ba ni Mavy.
Ayon kay Ashley, bagaman matagal na silang magkakilala ni Mavy, noong nakaraang taon lang sila lumabas na dalawa.
“I think it started, there was this one night kasama ‘yung mga friends namin, so dun ko siya nakilala and then, nagtuloy-tuloy na. Then, he asked me out if we can have lunch or dinner together, just the two of us, you know, get to know more about each other, ‘tapos nagtuluy-tuloy na,” sabi ni Ashley.
Mas nakilala nila ang isa’t isa noong naghiwalay na ang aktor at si Kyline Alcantara.
Naging nakarelasyon ni Mavy si Kyline, habang 2023 nang maghiwalay naman sina Ashley at Lucena City Mayor Mark Alcala.
Lauren kinabahan bilang kontrabida
KABILANG na sa bagong henerasyon ng mga kontrabida sa telebisyon ngayon ay ang Sparkle artist na si Lauren King.
Si Lauren ang gumaganap na Libby, ang kontrabida ni Sofia Pablo sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail.
Hindi itinago ni Lauren na na-excite siya noong ibigay sa kanya ang papel na kontrabida. Pero at the same time daw ay kinakabahan siya dahil makakatrabaho niya ang Team Jolly nila Sofia Pablo at Allen Ansay na hinangaan niya sa social media noong hindi pa siya kabahagi ng Sparkle GMA Artist Center.
Ayon pa sa 17-year old Fil-Australian from Pampanga, naging malaking tulong ang naging magkaibigan agad sila nila Sofia at Allen para maitawid nilang tatlo ang mga eksena nila sa serye.
“May kaba po talaga because I will be working with Team Jolly. Siyempre po, Team Jolly na ‘yan e. Meron na po talaga silang na-build na name dito sa industry.
“But habang tumatagal po ‘yung taping, talagang na-build po namin ‘yung friendship na meron kami ngayon.
“Pinag-uusapan po namin ‘yung bawat scene, especially po with Sofia kasi talagang ‘yung mga away scenes po namin talagang malala po,” sey ni Lauren sa mediacon ng Prinsesa Ng City Jail.
Sa sobrang intense daw ng girl fight nila Sofia at Lauren, napaniwala raw nila ang kanilang direktor na si si Jerry Lopez Sineneng na may totoong away ang dalawa.
Natatawang paliwanag ni Lauren: “Minsan tinatanong na rin po kami ni Direk Jerry kung magkaaway ba kami in real life ni Sofia? Kung may galit ba kami sa isa’t isa? Kasi talagang grabe po ‘yung mga scenes na ginagawa po namin. Ginalingan lang po namin.”