Jenn, sunud-sunurang lady boss sa ‘Boss Ma’am’
Kuwento tungkol sa isang lady boss pero pagdating sa kama ay sunod-sunuran ang mapapanood sa VMX ngayong November.
Isang makapangyarihang CEO ang mahaharap sa isang tusong laro dahil sa isang affair sa isang empleyado. Panoorin kung paano babaliktad ang lahat nang hindi niya inaasahan sa “Boss Ma’am,” mula sa direksyon ni Iar Arondaing, streaming na sa VMX simula November 26.
Si Jenn Rosa ang gaganap bilang Boss Ma’am o si Vern Andrea Dixon (V.A.D.), isang matapang na CEO ng isang malaking food company. Kilala si Vern na istrikto, dahilan kung bakit labis ang respeto at takot sa kanya ng kanyang mga empleyado.
Hanggang isang Sabado, sa kanyang opisina, makikita ni Vern si Jojo (Aerol Carmelo), ang bagong maintenance worker na nag-aayos ng aircon. Makakaramdam siya ng atraksyon dito, isang bagay na pareho nilang hindi matatakasan.
Mula rito, mag-uumpisa ang isang mainit na relasyon. Dahil sa kanilang affair, lilitaw ang lihim na kagustuhan ni Vern na ina-under siya pagdating sa sex, isang aspeto ng kanyang pagkatao na malayo sa pagkakakilala ng kanyang mga empleyado.
Habang umiinit ang kanilang relasyon, mas lumalaki rin ang kumplikasyon dahil kay Charm (Vern Kaye), ang tusong assistant ni Vern. Matutuklasan ni Charm ang affair nina Vern at Jojo, at agad niya itong gagamitin para sa sariling kapakinabangan.
Aakitin at kokontrolin niya ang kanyang boss kapalit ng pananahimik at pagtupad ni Vern sa kanyang mga kagustuhan.
Pero, si Charm nga ba ang may kontrol sa sitwasyon, o may mga plano si Vern para baligtarin ang laro? Tuklasin kung sino ang mananaig na makapangyarihan sa mapanuksong kwento ng “Boss Ma’am.”